194 total views
Bunsod ito ng pagpapatupad ng ‘Free Tuition Fee sa Higher Education’ o libreng tuition fee sa lahat ng State Universities and Colleges.
Ayon kay 1st district Davao Representative Karlo Nograles, chairman ng House Committee on Appropriations, naisumite na ng Malacanang ang proposed budget para sa susunod na taon at kasaluyang nasa deliveration ng Mababang Kapulungan at Senado.
Sa General Appropriations Acts of 2018, sinabi ni Nograles na hindi pa dito sakop ang pondo sa libreng matrikula para sa kolehiyo.
“We cannot go over and beyond na isinumite ng proposed budget ng executive, ang puwede lang naming gawin ay gumawa ng supplemental budget na nakadepende sa savings ng gobyerno. Malalaman natin kung may savings ang gobyerno sa ikatlong bahagi ng taon,” ayon kay Nograles.
Aminado si Nograles na hamon ngayon sa Kongreso kung saan kukunin ang pondo sa libreng tuition fee.
“Ang challenge ngayon sa Kamara ay hanapan ng pondo itong pagpapatupad ng batas on free higher education. Ang mangyayari nito, may ahensya at departamento ng gobyerno na mababawasan sa kanilang proposed budget para mapondohan ang ang free higher education na P16 B. Ang tanong po sino ang mga departamento, ahensya ang mababawasan ng kanilang proposed budget.”pahayag ni Nograles
Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), nangangailangan ang pamahalaan ng karagdagang 16 na bilyong piso para pondohan ang bagong batas.
Ang proposed national budget ng 2018 ay higit sa P3.77-trilyong piso kung saan P691 bilyon ay para sa education sector kabilang na ang P13.5-bilyong pisong pondo sa CHED, at P64.6-B sa mga state colleges and universities.
Una na ring inihayag ni Pope Francis ang kahalagahan ng edukasyon at ng institusyon bilang tagapaghubog ng kaalaman at pagpapakatao ng bawat kabataan.