Pagsusulong ng “green bills”, paiigtingin sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 396 total reads

Suportado ng isang Kongresista ang patuloy na paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo ng pang-aabuso ng mga minahan sa Pilipinas.

Ayon kay Ifugao Lone District Representative Teddy Brawner Baguilat, matagal nang isinusulong ng kanyang grupo ang pagprotekta sa kalikasan at ang pagpapasara sa mga minahan na nagdudulot rin ng pagkakawatak-watak ng mga komunidad.

Dahil dito, sinabi ni Baguilat na ipagpapatuloy nila ang pagsusulong ng Green Bills at ang pag- amyenda sa Mining Act of 1995 upang mapaigting ang pangangalaga sa kalikasan.

“Yung sa issue of mining talagang support ako sa panukala ng Pangulo na baguhin natin yung mga batas, yung kanyang batikos sa mining industry yun naman ang aming ipinaglalaban noon pa,” bahagi ng pahayag ni Baguilat sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito binalaan na rin ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga kumpanya ng minahan na sumunod sa panuntunan ng kanyang ahensya o tuluyan nang ipatitigil ang kanilang operasyon.

Ayon kay Cimatu, bagamat pinahihintulutan ng batas sa Pilipinas ang mga mining explorations, ay hindi naman ito dapat samantalahin ng mga minahan.

Nangako din si Cimatu na titiyakin nitong mapoprotektahan ang mga komunidad na inaabuso ng mga minahan at mapangangalagaan ang kabutihan ng nakararami.

“I will be visiting some mining companies in Mindanao yung mga pinakitang pictures na destroyed yung environment, we’ll take action of that, immediately,” bahagi ng pahayag ni Cimatu sa Radyo Veritas.

Sa kasalukuyan, sinabi nni Cimatu na pinag-aaralan nitong mabuti ang naunang mining audit na pinamunuan ni Former DENR Secretary Gina Lopez.

Matatandaang sumailalim ang 41 minahan sa pagsusuri ng auditing teams na binuo ng DENR, civil society groups, kinatawan ng mga apektadong komunidad, mga eksperto at kinatawan ng simbahan.

Sa naunang audit, 23 minahan ang inirekomendang ipasara ni Lopez dahil sa matinding pagkasira na idinudulot nito sa kapaligiran.

Sa Ensiklikal na Laudato Si, kinondena ni Pope Francis ang mapanirang industriya ng pagmimina na ginagawa ng mga multinasyonal na kumpanyang mula sa mga maunlad na bansa o First World Countries.(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 12,798 total reads

 12,798 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 47,613 total reads

 47,613 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 84,095 total reads

 84,095 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 102,307 total reads

 102,307 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 185,986 total reads

 185,986 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,475 total reads

 378,475 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top