Bloggers at Reporters

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 461 total reads

Noong nakaraang mga araw, marami ang nag-react sa balitang maaari na ngayong makakuha ng blogger’s accreditation mula sa Malacanang.

Para sa kaalaman ng marami, ang mga bloggers ay yaong mga indibidwal o grupo na nag-se-self publish sa internet. Malaki ang kaibahan nito sa media kung saan may sinusundang code of ethics, may mga ahensya at asosasyon na nag-che-check at re-regulate, at may censorship. Ayon kay Communications Secretary Andanar, dahil walang nagche-check ng accuracy o veracity ng mga blog entries ng mga accredited bloggers, ang ahensyang kanyang pinamumunuan ang magche-check ng mga ito.

Maraming mga bloggers ang sinunsundan sa lipunan ngayon, at marami sa kanila ay matatawag na tunay na mga influencers. Ang kanilang mga ineendorsong produkto o gamit o tao ay nabibigyang espasyo sa buhay ng kanilang mga followers.

Walang masama kapanalig na mag-accredit ng mga bloggers, ngunit kailangan malinaw sa publiko na sila ay hindi na-accredit upang magbigay ng tapat at walang kinikilingang balita. Ang bloggers, kapanalig, kaya sila mga influencers, ay hindi matatatwang may kanya-kanyang mga paniniwala na malaya niyang nailalathala sa kanyang blog. Pinipili nila ang kanilang mga ilalathala at mga pangyayari, events, o okasyon na kanyang i-co-cover. Sa mga reporters, naka-assign sa kanila ang kanilang beats, at sa ayaw man nila o hindi, kailangan nilang i-cover ang beat o pwesto na tinakda sa kanila. Sa bloggers, okay lamang na masingit ang kanilang mga personal na opinyon, sa reporter, kapag siningit mo ang iyong personal na opinyon, maari kang mapagalitan o matanggal sa trabaho.

Magkaiba, kapanalig, ang blogging at professional reporting, ngunit sa gitna na pagkakaiba na ito, pareho silang mahalaga at kailangang patatagin. Kapanalig, buhay at namamayagpag ang blog scene sa ating lipunan. Kung magagamit lamang ito para sa hindi magandang layunin, masisira ang pundasyong tinatag ng mga beteranong bloggers natin. Kung patuloy naman natin pahihinain ang kredibilidad ng media sa ating bansa, para ding binuwag natin ang isa sa pillars o haligi ng ating demokrasya.

Kapanalig, kailangan nating masuri ang ating mga polisiya at praktis, lalo pa’t mabilis na nagbabago ang teknolohiya ngayon pati ng pamamaraan ng pamamahagi ng balita. Ngayon na kailangan natin ng totoong balita, hindi nararapat na lalo nating palabuin ang pamamaraan ng pagbabahagi ng impormasyon ngayon. Insulto ito sa parehong bloggers at mamamayahag. Dapat sana ang isulong natin ay kahusayan sa komunikasyon (excellence in communication) at pagyakap sa katotohanan (commitment to truth). Ang mga ito ay values o pinahahalagahan na dapat maging pamantayan ng lahat, kahit pa ng private media organizations, ng public news agency at ng mga bloggers. Kapag ang mga ito ang naging pamantayan, pihadong ang kabutihan ng balana ang sinusulong ng pamahalaan. Ayon nga sa Pacem in Terris, ang lipunan ay hindi magiging maayos o maunlad kung ang mga pinuno nito ay hindi mangunguna sa pangangalaga sa mga institusyon nito at hindi ilalaan ang sarili sa kabutihan ng hindi lamang iilan, kundi ng balana.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,142 total reads

 48,142 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,875 total reads

 127,875 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,322 total reads

 161,322 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,620 total reads

 196,620 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,286 total reads

 421,286 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 48,143 total reads

 48,143 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,876 total reads

 127,876 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,323 total reads

 161,323 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,621 total reads

 196,621 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top