Obispo dismayado sa DOJ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 470 total reads

Dismayado si incoming Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice-President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa kawalang interes ni Department of Justice secretary Vitaliano Aguirre na maresolba ang kaso ng pagpatay sa 17-taong gulang na si Kian Lloyd delos Santos sa Caloocan city.

Ayon sa Obispo, dahil sa hayagang paghuhusga at pagdududa ng Kalihim sa kredibilidad ng 3-testigo ay patunay ng kawalang interes nito sa isinasagawang Senate inquiry sa kaso.

“If Secretary Aguirre has prejudged the witnesses even before hearing out their testimony, it means he is not really interested in the investigation and resolution of the case,” pahayag ni Bishop Pablo Virgilio David.

Kinondena rin ni Bishop David ang tila pagsasawalang bahala ni Secretary Aguirre sa matibay na ebidensya at mga testimonsya laban sa 3 pulis Caloocan na suspect sa pagkamatay ng binatilyong si Kian na sinasabing isang drug runner sa lugar.

Paliwanag ng Obispo ang pagsasabing “overblown” lamang ang nangyari sa kaso ni Kian at hindi direktang pagsasabing collateral damage lamang ang binatilyo sa kasalukuyang War on Drugs ng pamahalaan ay hindi katanggap-tanggap lalo na para sa isang mataas na opisyal na nasa mahalagang kagawaran sa pamahalaan.

Giit ni Bishop David ang pagbibitaw ng mga pahayag bago pa man makapagsagawa ng naangkop na paglilitis sa isang kritikal na kaso na kinasasangkutan ng mismong mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay mas lalong makapupukaw ng reaksyon mula sa publiko na sumusunod sa nasabing kaso.

“If he says the case of Kian is “overblown” despite strong evidence that the boy was murdered by the police (which even the president seems to acknowledge from his recent speeches), it means he is trivializing the strong public reaction to the first clear instance of a rubout in a special anti-drug police operation. Comments like his only provoke further angry reactions from the public who have followed this case well.” Dagdag pa ni Bishop David.

Sa inisyal na ulat ng mga otoridad sinasabing isang drug runner at nakipagbarilan ang binata sa Caloocan City police sa Barangay Santa Quiteria, Caloocan City noong ika-16 ng Agosto na taliwas naman sa mga nasaksihan ng ilang mga residente at naidokumento ng CCTV sa lugar.

Naunang kinondena ng Simbahang Katolika ang panibagong serye ng madugong operasyon ng mga pulis laban sa illegal na droga na sinasabing pagsasayang lamang ng buhay.

Read: Pagkamatay ng menor-de-edad sa war on drugs, isang malungkot na katotohanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 2,424 total reads

 2,424 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 42,014 total reads

 42,014 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 77,587 total reads

 77,587 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 303,857 total reads

 303,857 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 197,181 total reads

 197,181 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top