Alagang hayop, ipakonsulta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 359 total views

Hinimok ni Department of Agriculture Undersecretary for Operations Ariel Cayanan ang mamamayan na ikonsulta sa mga provincial veterinaries ang kanilang mga alaga partikular na ang mga manok, itik, at iba pang uri ng ibon.

Paliwanag ni Cayanan, ito ay upang ma-monitor ang kalagayan at ang dahilan ng pagkamatay ng mga hayop na may sakit sa loob ng bawat lalawigan at matukoy kung bird flu ang nakakaapekto dito.

“Meron po tayong tinatawag na provincial veterinary office, so yun po through the report sabi natin sa mga nagmamanok natin, nag po-poultry, pag may nakita po kayong hindi regular o[hindi] normal na pagkamatay ng manok, kabilang na po yung mortality na sumobra, ireport na po agad, at pag may nag report po, immediately po ay nagpapapunta tayo agad [ng tauhan],” pahayag ni Cayanan sa Radyo Veritas.

Samantala, nanawagan naman ito sa media na mag-ingat sa pagpapalabas ng impormasyon upang hindi makalikha ng takot sa isipan ng mamamayan.

Iginiit ni Cayanan na kontrolado ng DA ang sitwasyon at walang dapat na ikabahala ang taumbayan sa sakit na bird flu.

“Naging polisiya na po namin na kapag pagbibigay ng impormasyong opisyal, isa lang po at yan po ay nanggagaling sa expert, at ang kalihim po ang nagbibigay ng balita para po opisyal po palagi. Kasi nagkakaroon ng fear at nagkakaroon ng impact sa ekonomiya natin,” dagdag pa ni Cayanan.

Nitong nakaraang martes tinanggal na ng ahensya ang ban sa pagta-transport ng mga manok na magmumula sa labas ng 7-kilometer Radius quarantine zone ng Pampanga at Nueva Ecija.

Gayunman, kinakailangang tiyakin din na mayroong transport permit at quarantine veterinary clearance ang mga ibabyaheng poultry stocks.

Sa Panlipunang katuruan ng Simbahan, pabor ito na kumita ang isang mamumuhunan, gayunman, kinakailangang tiyakin na ang mga negosyon nito ay walang masamang epekto sa buhay at kalusugan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 27,208 total views

 27,208 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 45,008 total views

 45,008 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 45,008 total views

 45,008 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 157,829 total views

 157,829 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 178,064 total views

 178,064 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 297,131 total views

 297,131 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top