248 total views
Ito ang hamon ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa bawat parokya sa buong bansa.
Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na walang magiging parokya kung hindi sa pamamagitan ng Diyos kaya’t dapat isabuhay ng mga komunidad na bumubuo rito ang turo ng Panginoon na maging daluyan ng kabutihan at pagkakaisa sa lipunan.
“Ang tunay na parokya ay bukluran ng maliliit na sambayanan katulad ng pamilya at BEC (Basic Ecclesial Community). Kung minsan ang isang parokya maraming communities pero ayaw naman magsama-sama. Ang tunay na parokya maraming communities pero open sa isa’t isa,” pahayag ni Cardinal Tagle.
Kasabay nito ay pinaalalahanan din ng Kanyang Kabunyian ang mga mananampalataya na isantabi ang inggit at pagmamataas sapagkat ito ang pangunahing sumisira sa pamayanan ng Diyos.
“Hindi puwede ang siraan, hindi pwede ang pataasan, hindi puwede ‘kami, ang grupo namin ang pinakamalapit kay Father’. Iyan ang nakakasira sa parish… Siyempre may mga communities, pero ang tunay na community bukas at hindi sarado sa iba pang communities,” giit pa ng Cardinal.
Sa tala, umabot na sa mahigit 3-libo ang kabuuang bilang ng mga parokya sa buong Pilipinas kung saan tinatayang 689 dito ay napapaloob sa Ecclesiastical Province of Manila.
Ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ngayong 2017 ang taon ng parokya o Year of the Parish as Communion of Communities.