177 total views
Dismayado si incoming Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice-President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa kawalang interes ni Department of Justice secretary Vitaliano Aguirre na maresolba ang kaso ng pagpatay sa 17-taong gulang na si Kian Lloyd delos Santos sa Caloocan city.
Ayon sa Obispo, dahil sa hayagang paghuhusga at pagdududa ng Kalihim sa kredibilidad ng 3-testigo ay patunay ng kawalang interes nito sa isinasagawang Senate inquiry sa kaso.
“If Secretary Aguirre has prejudged the witnesses even before hearing out their testimony, it means he is not really interested in the investigation and resolution of the case,” pahayag ni Bishop Pablo Virgilio David.
Kinondena rin ni Bishop David ang tila pagsasawalang bahala ni Secretary Aguirre sa matibay na ebidensya at mga testimonsya laban sa 3 pulis Caloocan na suspect sa pagkamatay ng binatilyong si Kian na sinasabing isang drug runner sa lugar.
Paliwanag ng Obispo ang pagsasabing “overblown” lamang ang nangyari sa kaso ni Kian at hindi direktang pagsasabing collateral damage lamang ang binatilyo sa kasalukuyang War on Drugs ng pamahalaan ay hindi katanggap-tanggap lalo na para sa isang mataas na opisyal na nasa mahalagang kagawaran sa pamahalaan.
Giit ni Bishop David ang pagbibitaw ng mga pahayag bago pa man makapagsagawa ng naangkop na paglilitis sa isang kritikal na kaso na kinasasangkutan ng mismong mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay mas lalong makapupukaw ng reaksyon mula sa publiko na sumusunod sa nasabing kaso.
“If he says the case of Kian is “overblown” despite strong evidence that the boy was murdered by the police (which even the president seems to acknowledge from his recent speeches), it means he is trivializing the strong public reaction to the first clear instance of a rubout in a special anti-drug police operation. Comments like his only provoke further angry reactions from the public who have followed this case well.” Dagdag pa ni Bishop David.
Sa inisyal na ulat ng mga otoridad sinasabing isang drug runner at nakipagbarilan ang binata sa Caloocan City police sa Barangay Santa Quiteria, Caloocan City noong ika-16 ng Agosto na taliwas naman sa mga nasaksihan ng ilang mga residente at naidokumento ng CCTV sa lugar.
Naunang kinondena ng Simbahang Katolika ang panibagong serye ng madugong operasyon ng mga pulis laban sa illegal na droga na sinasabing pagsasayang lamang ng buhay.
Read: Pagkamatay ng menor-de-edad sa war on drugs, isang malungkot na katotohanan