Huwag magpadala sa ingay ng pulitika, panawagan ni Archbishop Villegas sa kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,187 total reads

Nanawagan si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kabataan ng arkidiyosesis na maging mapanuri at huwag magpadala sa ingay ng pulitika, sa gitna ng kasalukuyang sitwasyong panlipunan at pampulitika sa bansa.

Sa panibagong liham pastoral ng Arsobispo na inilabas noong Abril 15, 2026, binigyang-diin ni Archbishop Villegas ang kahalagahan ng konsensya at pananagutan sa pagpili ng mga lider.

Ayon sa Arsobispo ang kapangyarihan ng boto ay ipinagkatiwala ng mamamayan sa mga pinunong kanilang inihalal kaya naman kinakailangang maging matalino at mapanuri ang lahat sa pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal ng bayan.

Inilahad din ni Archbishop Villegas ang mga hamon na kinahaharap ng kabataan, kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis, mababang sahod, at ang paglaganap ng disinformation, katiwalian, at iba pang isyung panlipunan.

“Pero balikan natin ang isang basic fact: Sila ’yung mga leaders na pinili ng majority. Binigay natin sa kanila ang clout at kapangyarihan ng boto natin. Sana naman magising na tayo at makita ’yung epic fail sa pagboto sa kanila. Okay lang magkamali, tao lang tayo; okay lang magpatawad, dahil banal ’yan; pero ’yung uulitin mo pa? That’s just plain stupid. Huwag na tayong magpa-budol uli.” Bahagi ng liham pastoral ni Archbishop Villegas.

Giit ng Arsobispo, sa gitna ng “political noise” at magkakasalungat na impormasyon, mahalagang bumalik sa sariling konsensya ang bawat isa bilang gabay sa katotohanan at tamang pagpapasya.

Hinihikayat din ni Archbishop Villegas ang mga kabataan na maging matatag laban sa manipulasyon tulad ng fake news at impluwensiya ng social media.

“Nasa internal compass mo ang sagot. Nasa sa’yo ang last say. Sinasabi ng Simbahan na sobrang bigat ng role ng konsensya, lalo na ngayong ang daming toxic na impluwensya sa paligid.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Paliwanag ng Arsobispo ang konsensya ay hindi lamang personal na paniniwala kundi isang sagradong espasyo kung saan kinakausap ang tao ng Diyos upang piliin ang tama at iwasan ang mali.

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na ang pulitika ay hindi hiwalay sa moralidad, at ang kapangyarihan sa pamahalaan ay dapat gamitin para sa kabutihang panlahat o common good.

“Ang konsensya, hindi lang ’yan basta aesthetic o display sa buhay; ito ang “secret core” mo—ang sanctuary mo kung saan ka kinakausap ni Lord para piliin ang tama at i-avoid ang toxic. Hindi nagpo-pause ang moralidad mo dahil lang flop ang mga institusyon natin.” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Hinimok din ng Arsobispo ang mga kabataan na suriin ang kanilang motibasyon sa pagboto, at iwasan ang pagbibigay-halaga sa personal na interes, galit, o pagkampi lamang sa isang grupo.

Partikular na hinikayat ni Archbishop Villegas ang kabataan na pumili ng mga lider na may paggalang sa karapatang pantao at tunay na naglilingkod sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“Kaya pumili ka bilang isang builder na alam na kailangan pa rin natin si Lord. Pumili ka ng mga leaders at policies na may respeto sa human rights at tunay na naglilingkod sa mga pamilya, sa mga disadvantaged, at sa ikabubuti ng lahat. Gamitin mo ang political responsibility mo nang may katotohanan—hindi dahil sa manipulation at hindi dahil sa takot.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Samantala, biinigyang diin din ng Arsobispo na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa mga mamamayang may paninindigan sa katotohanan at kabutihang panlahat, at hindi lamang sa mga lider na kanilang inihahalal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 33,951 total reads

 33,951 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 84,584 total reads

 84,584 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,455 total reads

 132,455 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,403 total reads

 236,403 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 320,780 total reads

 320,780 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top