Donation drive para sa mga apektado ng mataas na oil price hike, inilunsad ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,409 total views

Umaapela ang Caritas Manila ng tulong para sa mga bulnerableng sektor na lubhang apektado sa pasakit na dulot ng krisis sa ekonomiya na likha ng sobra-sobrang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Tinukoy ng Caritas Manila ang matinding pasanin ng transport sector, mga drivers, magsasaka at mangingisda.

Nanawagan ang Caritas Manila ng donasyon sa mga Pilipino na gagamitin sa pamamahagi ng 2-libong pisong gift certificate sa mga matutukoy na benepisyaryo.

Hangad ng Caritas Manila na matulungan ang mga manggagawa sa nasabing sektor upang mabili ang pangunahing pangangailangan sa gitna ng patuloy na pagtaas sa halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

“𝐒𝐚 𝐡𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩…𝐡𝐚𝐛𝐚𝐠. Sa gitna ng krisis na dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan, nais ng Caritas Manila na tulungan ang mga Pilipinong nasa laylayan. Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, magpapaabot ang Caritas Damayan ng tulong na nagkakahalaga ng P2,000 na gift certificate para sa bawat pamilyang higit na nangangailangan—mga drayber, mangingisda, at magsasaka. Ito ay magiging posible sa inyong tulong at kabutihang loob,” ayon sa mensahe ng Caritas Manila.

Sa mga nais makiisa sa inisyatibo, bisitahin ang official facebook page at website ng social arm ng Archdiocese of Manila.

Sinabi ng Caritas Manila na maari ding bumili ng donation voucher sa Lazada ang mga makikiisa sa donation sa drive

‘“Upang makapag-donate, maaaring magpadala sa pamamagitan ng bank transfer sa Caritas Manila Inc. sa BDO, BPI, Metrobank, o RCBC accounts. Maaari ring gamitin ang QR code para sa mas mabilis na transaksyon. Para sa wastong pagkilala ng donasyon, hinihikayat ang mga donor na magpadala ng kopya ng kanilang deposit slip sa Viber, Messenger, o email ng Caritas Manila. Bukod dito, maaari ring bumili ng donation vouchers sa Lazada.”’ bahagi pa ng mensahe ng Caritas Manila.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 120-piso kada litro ang presyo ng gasoline, nasa 170-piso naman ang litro ng diesel at 150-pesos naman ang kada litro ng kerosene.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 22,593 total views

 22,593 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,944 total views

 50,944 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 118,674 total views

 118,674 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 141,825 total views

 141,825 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 210,359 total views

 210,359 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 7,745 total views

 7,745 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top