MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,152 total reads

Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza 2 noong April 10, 2026.

Ayon sa MEF, nakababahala ang insidente lalo’t idineklara nang hindi operational ang landfill mula pa noong August 2025, ngunit patuloy pa ring nagdulot ng panganib sa kalusugan ng mga residente dahil sa makapal at nakalalasong usok na kumalat sa mga karatig na lugar at sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ipinaliwanag ng Mother Earth Foundation na ang pagsusunog ng basura, lalo na ng plastik at halo-halong materyales, ay naglalabas ng mapanganib na kemikal tulad ng dioxins at fine particulate matter na maaaring magdulot ng malubhang sakit at pangmatagalang pinsala sa kapaligiran.

“These toxins pose serious risks to public health, particularly for children, the elderly, and vulnerable communities. And as persistent organic pollutants, they threaten to contaminate the surrounding soil and water long after the flames are extinguished,” pahayag ng MEF.

Binigyang-diin din ng grupo na ang insidente ay sumasalamin sa kabiguan sa maayos na pamamahala ng basura at nag-aambag pa sa climate crisis dahil sa pagbuga ng methane at iba pang greenhouse gases mula sa mga landfill.

Iniulat din ng MEF ang kakulangan ng Philippine Ecology Systems Corporation sa maayos na pagsasara ng pasilidad, kung saan may mga naiwang hindi natapos na proseso kaya’t nanatiling bukas at mapanganib ang tambakan ng basura.

Dahil dito, iginiit ng Mother Earth Foundation ang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act at Clean Air Act, at papanagutin ang mga may responsibilidad sa insidente.

“This is a clear wake-up call to move beyond landfill dependence and fast-track the shift to – and investment in -zero waste systems,” giit ng MEF.

Hinikayat ng grupo ang pamahalaan at publiko na pabilisin ang pagpapatupad ng waste reduction sa pinagmumulan, mahigpit na segregasyon, at pagpapalakas ng Materials Recovery Facilities at recycling tungo sa maayos na sistema ng pamamahala ng basura.

“Change is possible when we act together. Let us demand better systems, support community solutions, and push for a future built on zero waste,” saad ng MEF.

Una nang binigyang-diin ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ ang kahalagahan ng pagbawas sa paggamit ng mga plastic at iba pang disposable materials upang mapigilan ang pagdami ng basurang nakasisira sa kapaligiran.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,267 total reads

 11,267 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 194,282 total reads

 194,282 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 226,014 total reads

 226,014 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 327,837 total reads

 327,837 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 368,394 total reads

 368,394 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 381,098 total reads

 381,098 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 141,959 total reads

 141,959 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top