Mananampalataya, inaanyayahang makibahagi sa Inang Magayon 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,834 total reads

Inanunsyo ng Diyosesis ng Legazpi ang pagdiriwang ng Inang Magayon 2026 na nakatakda sa Mayo 1, 2026 bilang bahagi ng patuloy na tradisyon at debosyon kay Nuestra Señora de Salvacion, bilang Makalangit na Reyna at Patrona ng Albay.

Sa Diocesan Circular No. 10 na inilabas ni Legazpi Bishop Joel Baylon ay inaanyayahan ng Obispo ang mga mananampalataya na makibahagi sa mga gawain, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagdiriwang na nakasentro sa pananampalataya.

Isasagawa ang pagdiriwang ngayong taon bilang bahagi na rin ng Diamond Jubilee ng Diocese of Legazpi, na itinuturing ding Marian Jubilee na isang natatanging panahon ng biyaya para sa lokal na Simbahan.

Sa diwa ng Year of Mission, inaanyayahan ng diyosesis ang lahat na magkaisa bilang isang sambayanan sa pananalangin para sa kapayapaan, paghahandog ng sakripisyo, at panibagong pagtatalaga sa pamumuhay at pagbabahagi ng Ebanghelyo.

Nilinaw din ni Bishop Baylon na ang pagdiriwang ay naiiba sa Magayon Festival, sapagkat ito ay nakatuon sa panalangin at debosyon kay Maria.

Tema ng pagdiriwang ng Inang Magayon 2026 ang “Maria: Kalakbay sa Misyon, Bitoon nin Ebanghelisasyon,” na layunin isulong ang mahalagang papel na ginagampanan ng Mahal na Ina bilang gabay ng mga mananampalataya tungo kay Kristo.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay magkatuwang na inorganisa ng Diyosesis ng Legazpi katuwang ang The Pilgrim Village Foundation, Inc., at Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Salvation.

Inaanyayahan din ang publiko na makiisa sa mga gawain sa Mayo 1, 2026 at sa “Visita Salvacion” na isasagawa sa buong buwan bilang bahagi ng debosyon.

Attached Diocese of Legazpi Diocesan Circular:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,600 total reads

 60,600 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,625 total reads

 139,625 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,070 total reads

 173,070 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,368 total reads

 208,368 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,445 total reads

 432,445 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top