Kapayapaan, hindi makakamit sa lakas at dahas-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,939 total reads

Nanawagan si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa gitna ng umiigting na tensyon at mga digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang liham pastoral, mariing tinuligsa ng obispo ang paniniwalang makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng lakas at dahas.

Giit ng obispo, hindi sapat ang mga tigil-putukan sa pagkakamit ng kapayapaan kundi ang mahinahong dayalogo tungo sa paghilom at pagkakasundo.

“Maaaring magdala ng pansamantalang katahimikan at tigil-putukan ang pagdurog sa iba, pero hindi ito magdadala ng tunay at pangmatagalang kapayapaan,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Binigyang-diin ng obispo na ang ganitong uri ng kapayapaan ay panlabas lamang at nagkukubli ng “panloob na galit at pagngingitngit na sisiklab uli sa panahong hindi inaasahan.”
Iginiit ni Bishop Pabillo na ang kapayapaan ay hindi bunga ng pananakot kundi ng tiwala at paggalang.

“Huwag po tayong maniwala na ang kapayapaan ay madadala ng lakas at ng dahas. Ang kapayapaan ay matatagpuan lamang sa pag-uusap na may tiwala at paggalang sa isa’t isa,” ayon sa obispo.

Kaugnay nito, sinuportahan ng obispo ang panawagan ni Pope Leo XIV na pairalin ang dayalogo kaysa sa digmaan.

Batid ng pastol na mas lalong lumalala ang kaguluhan at karahasan kung paiiralin ang dahas.

“Sa lahat ng labanan sa buong mundo, hindi naman ang bomba o ang sandata ang nagdala ng kapayapaan kundi ang negosasyon,” giit ni Bishop Pabillo.

Tinuran ni Bishop Pabillo na kailanman ay walang sinuman ang tunay na nagwawagi sa digmaan kundi nagdudulot lamang ito ng pagkawasak ng lipunan, pagkasawi ng mamamayan lalo na ng mga inosenteng sibilya, at higit sa lahat ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya.

“Sa digmaan, walang nananalo, kundi lahat ay talunan… hindi lamang ng mga bansang naglalabanan kundi ng buong sangkatauhan. Nararanasan na natin ito ngayon sa pagtataas ng mga presyo ng pamasahe at ng mga bilihin. Pinahihirapan ang buhay natin ng anumang digmaan sa saanmang panig ng daigdig,” ayon pa sa obispo.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na makiisa sa panalangin para sa kapayapaan. “Makiisa po tayo… na manawagan ng kapayapaan… huwag nating hayaan na ang tinig ng kapayapaan ay malunod ng mga pagsabog ng mga bomba.”

Pinayuhan din ng pastol ang mananampalataya na magpatuloy sa pagrorosaryo at pagtawag sa Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Kapayapaan, kalakip ang paniniwala sa kapangyarihan ng panalangin.

Iginiit ni Bishop Pabillo ang hamon ng Ebanghelyo, “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila ay ituturing na mga anak ng Diyos.

Aniya, ang pagtanggi sa dahas, pagsusulong ng dayalogo, at taimtim na panalangin ang landas tungo sa tunay na kapayapaan sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 210,244 total reads

 210,244 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,917 total reads

 244,917 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 260,817 total reads

 260,817 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 297,307 total reads

 297,307 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 303,416 total reads

 303,416 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top