Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,890 total views

Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa lugar.

Iniuugnay ng Santo Papa ang karanasan ng mga alagad sa daan patungong Emmaus sa kasaysayan ng bansang sugatan ngunit patuloy na naghahanap ng kapayapaan at pagkakaisa.

Sa kanyang homiliya, kinilala ni Pope Leo ang malalim na sugat ng Angola dulot ng mahabang digmaang sibil at ang mga iniwang hamon nito tulad ng kahirapan, pagkakawatak-watak, at kawalan ng pag-asa.

Inilarawan niya ang kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng mga alagad na “may wasak at malungkot na puso,” na tila nakakulong sa sakit at hindi makita ang pag-asa.

Binigyang-diin ng punong pastol ang sentro ng Mabuting Balita na ang muling pagkabuhay ni Kristo ang susi upang makabangon mula sa anumang anyo ng “kamatayan” sa personal man o panlipunang anyo.

“He is alive, he has risen, and he walks beside us… opening our eyes… and granting us the grace to start afresh and rebuild the future,” ayon sa pagninilay ni Pope Leo XIV.

Paalala rin ng Santo Papa na ang presensya ni Kristo ay nararanasan sa panalangin, sa pakikinig sa Salita ng Diyos, at higit sa lahat, sa Eukaristiya.

Gayunman, nagbabala siya laban sa mga gawi na naghahalo ng pananampalataya sa pamahiin, na hindi nakatutulong sa tunay na paglalakbay espirituwal.

Hinikayat ni Pope Leo ang bawat isa sa katapatan sa turo ng Simbahan at sa pagtitiwala sa mga pastol na nangangalaga dito.

Binigyang-diin ng Santo Papa ang konkretong tungkulin ng bawat mananampalataya na maging “tinapay na pinagpira-piraso” para sa kapakanan ng kapwa.

“We too must recognize him… wherever there is a life that becomes like broken bread, wherever someone offers himself… as a gift of compassion,” ani ng Santo Papa.

Sa gitna ng mga hamon ng kahirapan, katiwalian, at kawalan ng pag-asa lalo na sa kabataan, nanawagan si Pope Leo sa isang Simbahang aktibong nakikiisa sa bayan na nakahandang maghilom ng sugat, magpanibago ng pag-asa, at magtaguyod ng kapayapaan at katarungan.

“Do not be afraid… be witnesses of his Resurrection and protagonists of a new humanity and a new society,” aniya.

Paalala pa ng pastol na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pananampalataya, nagbubunga sa pagkilos, at humahantong sa isang lipunang pinagtitibay at pinagbubuklod sa pag-ibig, pagkakaisa, at pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 33,400 total views

 33,400 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 42,764 total views

 42,764 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 69,220 total views

 69,220 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 118,649 total views

 118,649 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 121,613 total views

 121,613 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

 2,727 total views

 2,727 total views Ibinahagi ng Diocese of Digos na ginawaran ng Archbishop Clovis Thibault Special Award ng Archdiocese of Davao si Bishop Guillermo Afable ng Digos

Read More »
Scroll to Top