Ano nga ba ang mas mahalagang laban?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 953 total reads

Kapanalig, ang laban sa droga ng pamahalaan ay laging nasa center stage ng ating kamalayan ngayon. Mahirap siyang iwasan, huwag isipin, at huwag pansinin. Ang laban na ito ay kumikitil ng buhay ng mga maralitang Pilipino. Sa halip na droga ang mawaksi nito, tila maralita ang napupuksa nito.

Ang buhay ay mahalaga. Hindi tayo nagiging selective o mapili sa buhay na ating pinagtatanggol. Ang Simbahang katolika, ang buhay ay ginagalang at minamahal kahit na sa sinapupunan pa lamang ito. Kaya nga’t ang sadyang kamatayan, kahit pa mula sa kaninong kamay, ay ating kinokondena.

Dahil sa araw araw nating nakikita ang kamatayan sa ating paligid, nakakatakot na tayo ay masanay. Galit man tayo sa epekto ng droga at sa mga krimeng dala nito, ang Pilipino, kung iyong susuriin ay hindi uhaw sa paghihiganti. Hindi siya nanghihingi ng kapalit na dugo. Katarungan ang ating daing.

Sa panahon ngayon kapanalig, lumilitaw sa ating lipunan ang pinakamahalagang laban ng ating buhay. Hindi ito laban sa droga. Hindi rin ito ang laban sa kahirapan. Ito ay ang laban para sa tama. Ito ay laban para sa buhay.

Kapanalig, kung titingnan natin ang crime rate, bumababa ito ng 32% ayon kay Andanar. Tama lang na bumaba ito. Pero kung titingnan mo ang bilang ng mga bangkay na iyong nakikita araw-araw, mas dumami. Baka may kamamatay lang dyan sa kanto niyo noong isang araw. Tama ba ito?

Kapanalig, andaming mga sumuko sa mga barangay noon na drug users at drug pushers. Ayon nga sa mga pulis, lagpas sa isang milyon ang sumuko at ang bulko nito ay mga drug users habang mga 75,00 ay tulak. Karamihan sa kanila ay mahirap. Tama lamang ito. Ngunit tama lang din ba na ang maralita lamang ang umamin, sumuko, at makilala? Maralita lamang ba ang user at tulak ng droga?

Kapanalig, ngayon ay panahon ng paninindigan. Ang tama ay walang kinikilingang politico. Ang kabutihang gawa, kagalingan, ang pagiging disente ay hindi monopoliya ng kahit anong grupo o partido. Walang kulay ang laban para sa tama, walang partido ang laban para sa buhay. Ito ay hamon para sa ating lahat.

Kaya nga kahit gaano pa kaunti ang mga taong naninindigan para sa tama, nararapat lamang na tumayo tayong kasama sila. Ang pagtaguyod ng tama, ang pagmamahal sa buhay ay walang bahid ng politika. Ito ay paninindigan para sa ating dignidad bilang tao. Ito ang pinakamahalagang laban nating lahat. Ayon nga sa Challenge of Peace ng US Catholic Bishops: The human person is the clearest reflection of God’s presence in the world. At ang Evangelium Vitae ay nagpapa-alala rin sa atin: Life, especially human life, belongs to God; whoever attacks human life attacks God’s very self.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,412 total reads

 5,412 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,710 total reads

 40,710 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,194 total reads

 77,194 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,405 total reads

 95,405 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,454 total reads

 179,454 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,413 total reads

 5,413 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,711 total reads

 40,711 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,195 total reads

 77,195 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,406 total reads

 95,406 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top