Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manindigan laban sa pang-aabuso

SHARE THE TRUTH

 280 total views

Hindi dapat na manahimik ang lipunan hinggil sa usapin nang pang-aabuso.

Ito ang binigyan diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa mga pagpaslang kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Giit ni Bishop Bacani hindi dapat manahimik at maging manhid bagkus ay dapat na magsalita upang hindi maging pangkaraniwan ang mga pagpaslang.

Ayon sa Obispo, hindi nag-iisa ang kaso ng nasawing estudyante na si Kian Delos Santos kundi marami pang iba ang mga naging biktima ng extra judicial killings.

Naging tampok lamang ang kay Kian, lalu’t may mga ebidensya hinggil sa pagkamatay ng bata tulad ng CCTV at mga testigo na nagpapatunay sa pagpaslang.

“Kaya nakakalungkot yan ay pang-abuso, dapat na panagutin ang mga taong yan sa harap ng lipunan. Ako hinihingi ko na patawarin sila ng Diyos, na sila ay makonsensya humingi ng tawad sa Diyos at magtamo ng kapatawaran, subalit sa ating lipunan kinakailangan na ang mga ganyan ay bigyan ng karampatang parusa o pagdisisplina, hindi natin dapat sinasang-ayunan,” ayon kay Bishop Bacani.

Sa tala, may higit na sa 12 libo ang napapaslang dahil sa kampanya kontra droga –kabilang na dito ang napatay sa police operations, maging ng mga tinatawag na vigilante killings, kasama na rin dito ang may 30 mga menor de edad na napapaslang at nadadamay sa operasyon dahil sa illegal na droga.

Una na ring nagpahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi pagtutol sa pagsawata sa illegal drugs, subalit dapat ang lahat ay dumaan sa due process, pagbibigay pagkakataon sa mga nagkasala at ang pag-agapay sa mga naliligaw ng landas sa pamamagitan ng programa sa pagpapanibago.

Read: Pairalin ang batas at hindi pamamayani ng baril

Nananawagan din si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng pakikipagdayalogo upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay sa kampanya kontra iligal na droga.

Read: Reflect, Pray and Act

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,282 total views

 69,282 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,057 total views

 77,057 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,237 total views

 85,237 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,849 total views

 100,849 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,792 total views

 104,792 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 26,473 total views

 26,473 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top