Manindigan laban sa pang-aabuso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total reads

Hindi dapat na manahimik ang lipunan hinggil sa usapin nang pang-aabuso.

Ito ang binigyan diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa mga pagpaslang kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Giit ni Bishop Bacani hindi dapat manahimik at maging manhid bagkus ay dapat na magsalita upang hindi maging pangkaraniwan ang mga pagpaslang.

Ayon sa Obispo, hindi nag-iisa ang kaso ng nasawing estudyante na si Kian Delos Santos kundi marami pang iba ang mga naging biktima ng extra judicial killings.

Naging tampok lamang ang kay Kian, lalu’t may mga ebidensya hinggil sa pagkamatay ng bata tulad ng CCTV at mga testigo na nagpapatunay sa pagpaslang.

“Kaya nakakalungkot yan ay pang-abuso, dapat na panagutin ang mga taong yan sa harap ng lipunan. Ako hinihingi ko na patawarin sila ng Diyos, na sila ay makonsensya humingi ng tawad sa Diyos at magtamo ng kapatawaran, subalit sa ating lipunan kinakailangan na ang mga ganyan ay bigyan ng karampatang parusa o pagdisisplina, hindi natin dapat sinasang-ayunan,” ayon kay Bishop Bacani.

Sa tala, may higit na sa 12 libo ang napapaslang dahil sa kampanya kontra droga –kabilang na dito ang napatay sa police operations, maging ng mga tinatawag na vigilante killings, kasama na rin dito ang may 30 mga menor de edad na napapaslang at nadadamay sa operasyon dahil sa illegal na droga.

Una na ring nagpahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi pagtutol sa pagsawata sa illegal drugs, subalit dapat ang lahat ay dumaan sa due process, pagbibigay pagkakataon sa mga nagkasala at ang pag-agapay sa mga naliligaw ng landas sa pamamagitan ng programa sa pagpapanibago.

Read: Pairalin ang batas at hindi pamamayani ng baril

Nananawagan din si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng pakikipagdayalogo upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay sa kampanya kontra iligal na droga.

Read: Reflect, Pray and Act

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 52,357 total reads

 52,357 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,891 total reads

 131,891 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,338 total reads

 165,338 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,636 total reads

 200,636 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,076 total reads

 425,076 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,396 total reads

 16,396 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top