Vice Mayor Duterte, bigong linisin ang pangalan ng pamilya sa smuggling at droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 534 total reads

Pinalagpas ni Davao Vice Mayor Paolo Duterte ang pagkakataon na malinis ang pangalan ng kanilang pamilya dahil sa pagtangging ipakita ang kaniyang tattoo sa likod na sinasabing patunay ng pagiging miyembro ng grupong “triad”.

Ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz na unang nanawagan ng pagdalo ng batang Duterte at bayaw nitong si Mans Carpio sa Senate inquiry, sa halip na masagot ang mga pagdududa ay mas marami pang katanungan ang sumulpot dahil sa hindi pagsagot ng bise-alkalde sa mga tanong at bintang ni Senador Antonio Trillanes IV.

“Pero, kapag sinuma mo ang lahat ng pangyayari roon, I invoke my right to self incrimination, medyo mag-aalangan ka ng kaunti na may tinatago,” pahayag ni Archbishop Cruz sa Radio Veritas.

Bagama’t hindi maaring husgahan ang magbayaw sa palagiang paggamit ng right to self incrimination o hindi pagsagot sa mga katanungan ay maaring husgahan ng marami na may itinatago nga ang mga pinaghihinalaan.

“It was used every now and then, but itong nakaraang hearing ay mukhang it was invoked more often than not. Maaring walang nakita roon pero siyempre baka maraming tao na may kaugnayan siya,” ayon pa sa Arsobispo.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa P6.4 shipment ng ilegal drugs-inaakusahan ang anak ng pangulo at manugang nito na kabilang sa Davao group na isang maimpluwensyang grupo na nagbigay daan para maipuslit sa Bureau of Customs ang ilegal na kargamento.

Nabanggit sa isang pahayag ni St. Augustine: Gustung-gusto nila ang katotohanan kapag siya ang kumikinang; at mapoot kapag sinasaway; ayaw nilang malinlang, ngunit nais nilang manlinlang. Mahal nila ang katotohanan kapag ipinahayag niya ang sarili at napopoot kapag ipinahayag laban sa kanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,650 total reads

 7,650 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,833 total reads

 42,833 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 79,317 total reads

 79,317 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,528 total reads

 97,528 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 181,450 total reads

 181,450 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top