Climate change, malaking epekto sa nararanasang “extreme weather conditions.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 908 total views

Naniniwala si Fr. Ric Valencia – Priest Minister ng Caritas Manila Damayan Program at Head ng Ecology Ministry ng Archdiocese of Manila na kung maayos parin ang sistema ng kalikasan ay hindi magkakaroon ng extreme weather conditions sa mundo.

Giit ni Fr. Valencia, bagamat normal lamang na panahon nang tag-ulan sa Pilipinas ay malaki parin ang epekto ng climate change sa nararanasang mas matinding pag-ulan na nagdudulot ng mga hindi ordinaryong pagbaha.

“Everything can be related to that, pero sa panahon ngayon it is really the typhoon season na tayo pumasok na tayo sa fourth quarter, that was normal to us pero nakikita naman natin na nagdadala ng pagbaha sa Metro Manila so connected parin yan kasi kung maayos ang ating ecosystem sana mako-contain yung mga ganitong calamities,” bahagi ng pahayag ni Fr. Valencia sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito nagpaalala naman ang pari sa mamamayan na iwasang lumusong sa tubig baha dahil maaari itong magdala ng mga sakit partikular na ang mga tinatawag na water-borne diseases.

Pinayuhan din ni Fr. Valencia ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at huwag hayaang maligo sa tubig baha.

Samantala, pinayuhan naman ni National Disaster Risk Reduction Council Spokesperson Romina Marasigan ang bawat pamilya na maging alerto at makinig sa babala ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Marasigan, kapag pinalikas ang mga pamilya ay mahalagang sumunod ang bawat isa at huwag nang manatili pa sa kanilang tahanan lalo na kung ito ay nasa flood prone at landslide prone areas.

“Muli binabalaan natin ang mga pamilya na nakatira sa flood prone at landslide prone areas na kapag may panawagan ang lokal na pamahalaan na lumikas, makiisa po sila para sa kaligtasan ng kanilang pamilya at ng kanilang komunidad,” pahayag ni Marasigan sa Radyo Veritas.

Sa inisyal na ulat ng NDRRMC, mayroon nang 50 pamilyang inilikas sa bahagi ng lalawigan ng Quezon kung saan inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyong Maring ngayong tanghali.

Patuloy namang pinaiigting ng Simbahan ang pangangalap ng impormasyon sa mga Diyosesis na naapektuhan ng malakas na mga pag-ulan upang agad itong makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 20,326 total views

 20,326 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 90,439 total views

 90,439 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 165,053 total views

 165,053 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 245,131 total views

 245,131 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 287,458 total views

 287,458 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 349,649 total views

 349,649 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top