Baguhin ang punitive mentality na umiiral sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 584 total reads

Nararapat ng magkaroon ng pagbabago sa “punitive mentality” sa bansa kung saan namamayani ang pagkondina, pagpaparusa at pagpapanagot sa mga nagkasala na pagkakait ng pag-asa sa isang indbidwal na makapagbagong buhay.

Ito ang apela ni Bishop Pedro Arigo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care kaugnay sa katatapos lamang na Prison Awareness Week.

Paliwanag ni Bishop Arigo, dapat na baguhin ang naturang mentalidad at bigyan ng pag-asa o pangalawang pagkakataon ang mga bilanggo na makapagsisi, makapagbalik-loob at makapagbagong buhay.

“Ang dapat nating baguhin yung tinatawag nating punitive mentality. Nagkasala iyan, ikundina yan, parusahan yan, ikulong yan at katulad ng nangyayari ngayon patayin yan. Para bang wala ng pag-asa kaya kailangan tayong pumihit, yung tinatawag na paradigm shift na sa lugar na tayo’y parang condemnatory very punitive ang ating issue ng justice baguhin natin, na itong mga taong ito ay biktima ng lipunan, may pag-asa pa bigyan lang ng pagkakataon…” pahayag ni Bishop Arigo sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaasa rin ang Obispo na napukaw ng ginunitang Prison Awareness Week ang kamalayan ng mga mamamayan upang magkaroon ng ibang pagtingin sa mga bilanggo na nangangailangan ng tulong at pangalawang pagkakataon sa lipunan.

Pagbabahagi ni Bishop Arigo, ang mga bilanggo o ang mga kriminal ay dapat ring ituring na mga biktima ng lipunan na dahil sa kawalan ng pag-asa, kawalan ng edukasyon at kahirapan ay mas nagiging lantad upang gumawa ng masama gaya ng paglabag sa batas.

“Mag-iba sila ng pagtingin sa mga nasa bilanguan, bagamat sabihin natin nakagawa sila ng tinatawag nating krimen pero ang karamihan sa kanila ay mga biktima rin, biktima ng buong lipunan halimbawa. Kawalan ng pag-asa, kawalan ng edukasyon, kahirapan”.dagdag pa ni Bishop Arigo.

Pinangunahan ni Bishop Arigo ang naging paggunita ng 30th Prison Awareness Sunday sa Sta. Cruz Church kung saan matapos ang misa ay ilang mga volunteers din ang ginawaran ng Gawad Paglilingkod Award bilang pagkilala sa higit 3-taong pagsi-serbisyo ng mga volunteer sa mga bilanggo sa pamamagitan ng iba’t ibang ministry ng Simbahan.

Isa sa mga ginawaran ng parangal ay si Bro. Rene Marcelo bahagi ng Extraordinary Ministers for Holy Communion mula sa Bisig ni Kristo Community na naglilingkod sa Manila City Jail.

Ayon kay Marcelo, handa siyang maglingkod at ipagkaloob ang kanyang sarili sa Pangiooon sapagkat ang pagbibigay ng communion ay hindi lamang dapat na ipinagkakaloob sa loob ng Simbahan kundi higit ring mahalaga na maibahagi si Kristo sa loob ng bilangguan para sa mga taong nangangailan.

Batay sa tala ng CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care may aabot lamang sa 2,500 ang bilang ng mga volunteer sa buong bansa na nagkakaloob ng iba’t ibang programa upang makatulong at bigyan ng panibagong pag-asa ang mga bilanggo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 218,156 total reads

 218,156 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 252,829 total reads

 252,829 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 268,729 total reads

 268,729 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 305,219 total reads

 305,219 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 310,866 total reads

 310,866 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 47,661 total reads

 47,661 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top