Makiisa sa Justice is our prayer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

Inaanyayahan ng isang church group ang publiko na makiisa at makidalamhati sa isasagawang misa, pagdarasal at pagtitirik ng kandila sa mga pinatay bunsod ng war on drugs at extra judicial killings sa bansa.

Ang “Justice is our prayer for every candle lit” ay isasagawa sa October 31, dakong alas-10 ng umaga sa San Isidro Labrador Parish, Bagong Silang, Quezon City.

Hinihikayat ni Nardy Sabino, Spokesperson ng Promotion of Church Peoples Response at convenor ng Rise Up for Life and Rights lahat na makiisa at damayan ang pamilya ng mga namatayan.

“Patuloy na damayan ang ating mga kapatid at pamilya na namatayan ng mahal sa buhay sa Oct. 31 para sa sama-samang panalangin, sama-samang pagdadalamhati, sama-samang paglalakbay para sa pag-asa at katarungan. Ito po ay isa ring bahagi ng ating panawagan nang pagkilos sa November 5 na Stop the Killing, Start the Healing. Samahan po natin ang mga pamilya ng mga namatayan lalu na ng mga mahihirap na kamtin ang katarungan at ipanawagan ang pagtigil sa pagpaslang,“ panawagan ni Sabino.

Ang hakbang ay bilang sa pakikiisa sa paggunita ng Undas at pagsisimula ng Start the Healing campaign ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa November 5, sa Edsa Shrine.

Sa November 2 naman isasagawa naman ng Task Force Detainees of the Philippines ang Libong Kandila at Panalangin para sa Libo-libong Biktima ng Karahasan sa Bantayog ng mga Bayani simula alas-2 hanggang alas-6 ng gabi.

Layon nang pagkilos ang pag-alala, katotohanan at pagpapahayag – lalu na sa mga nawawala at biktima ng extra judicial killings, at panalangin para matigil na ang marahas na polisiya ng gobyerno.

Sa pinakahuling ulat, umaabot na sa 14,000 ang pinatay na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Una na ring pinuri ng Santo Papa Francisco ang mga community based drug rehabilitation program ng simbahan bilang tugon sa problema sa droga ng Pilipinas.

Naniniwala ang Santo Papa Francisco na ang pagkalulong ay isang pang-aalipin na maaring bigyang solusyon sa pamamagitan ng edukasyon at pagpapanibago sa tulong ng komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 36,859 total reads

 36,859 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 87,314 total reads

 87,314 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 135,185 total reads

 135,185 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 239,133 total reads

 239,133 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 323,356 total reads

 323,356 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top