Ipakita ang pagmamahal sa bayan, makiisa sa heal our land Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total reads

Hinikayat ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang publiko na makiisa sa isasagawang Heal our Land Sunday na pangunguhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ang misa ay isa isasagawa sa Edsa Shrine, dakong alas-3 ng hapon sa November 5.

Ayon kay Marita Wasan in-coming president ng Sangguniang Layko ng Pilipinas ito ay pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.

Paliwanag ni Wasan, ito rin ay pagpapakita ng ating pagtutol sa mga karahasan na nagaganap sa bansa at ang sama-samang panalangin para sa paghilom.

“Tulungan natin ang ating simbahan na maipakita ang ating lakas sa ating mga pagtutol sa mga nangyayari sa ating bansa at magkaroon ng healing. Kasi yan ang main point ng ating pagtitipon-tipon sa November 5 sa Edsa for our country to heal in all those happenings na talagang sumisira sa pamilya, sumisira sa pagkatao, lalung lalu na ang sumisira sa ating lipunan. Let us all be one, and let us all unite para maging maayos ang bansa. Mahalin natin ang ating bansa.,” ang bahagi ng pahayag ni Wasan.

Tuwing ikalawang taon, nagsasagawa nang paghahalal ang Layko para sa mga bagong kinatawan kung saan si Wasan ay inaasahang magsisimula ng kaniyang pamumuno sa Enero 2018.

Si Wasan ang hahalili sa kasalukuyang pangulo ng Laiko na si  Mrs. Zeny Capistrano.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang grupo at samahan ng simbahan mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mula sa higit 87 milyon ng mga katoliko sa Pilipinas, 99 na porsiyento ay pawang mga layko o yaong mga bininyagan sa simbahang katolika, habang ang isang porsiyento ay binubuo naman ng mga pari at mga madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,189 total reads

 59,189 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,288 total reads

 138,288 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,733 total reads

 171,733 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,031 total reads

 207,031 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,153 total reads

 431,153 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top