Lahat ng tao, tinatawag na maging Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total views

Naniniwala si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na bawat tao ay tinatawag ng Panginoon upang maging santo sa kanyang sariling pamamaraan.

Ayon sa Obispo, isang magandang pagkakataon ang pagdiwang ng All Saints Day upang papurihan ang mga martir at banal na inalay ang kanilang sarili upang isabuhay ang aral at turo ni Hesus.

Ang All Saints Day, iyan ay inuukol natin para alalahanin at papurihan ang Diyos dahil sa mga nasa langit na kaluluwa. Dapat nating alalahanin sa All Saints Day na tayo ay tinatawag na maging saint kahit hindi mailalagay yung estatwa natin sa altar eh tayo naman ay makakasama ng Diyos at ng mga banal at mga anghel sa kalangitan. Yun ang tandaan natin,” pahayag ni Bishop Bacani.

Idinagdag pa ng Obispo na isang hamon para sa mga mananampalataya na tularan ang kadakilaan ng mga santo at hindi matutumbasang pag-ibig at pananampalataya sa Diyos.

Samantala, ipinapaalala naman aniya ng paggunita ng All Souls Days na ipagdasal ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw para sa kanilang mapayapa at dalisay na paglalakbay patungo sa kaharian ng Diyos.

“Ang All Souls Day naman ay inuukol natin para ipanalangin ang ating mga kapatid na nananabik na makapasok sa langit ngunit dahil sa may pagkakautang pa sila na hindi pa lubos na nababayaran ay kinakailangang linisin sila ng Panginoon upang maging lubos na dalisay ang kanilang pagmamahal at sila rin ay makapasok na sa langit. Ipanalangin natin ang ating mga yumao, baka sakaling hindi pa sila nakakapunta at nakakaabot sa harapan ng Diyos sa langit,” dagdag ng Obispo.

Tinatayang umabot na sa mahigit 10-libo ang naiatalagang Santo sa buong mundo na nagmula sa iba’t ibang mga bansa.

Sa simbahang katolika, ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Nobyembre ang All Saints Day habang sa ikalawang araw naman ng buwan ang All souls Day o Araw ng mga Patay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 16,233 total views

 16,233 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 25,597 total views

 25,597 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 52,054 total views

 52,053 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 102,125 total views

 102,124 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 106,453 total views

 106,453 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 75,077 total views

 75,077 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 268,108 total views

 268,108 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top