Ipakita ang pagmamahal sa bayan, makiisa sa heal our land Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 456 total reads

Hinikayat ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang publiko na makiisa sa isasagawang Heal our Land Sunday na pangunguhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ang misa ay isa isasagawa sa Edsa Shrine, dakong alas-3 ng hapon sa November 5.

Ayon kay Marita Wasan in-coming president ng Sangguniang Layko ng Pilipinas ito ay pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.

Paliwanag ni Wasan, ito rin ay pagpapakita ng ating pagtutol sa mga karahasan na nagaganap sa bansa at ang sama-samang panalangin para sa paghilom.

“Tulungan natin ang ating simbahan na maipakita ang ating lakas sa ating mga pagtutol sa mga nangyayari sa ating bansa at magkaroon ng healing. Kasi yan ang main point ng ating pagtitipon-tipon sa November 5 sa Edsa for our country to heal in all those happenings na talagang sumisira sa pamilya, sumisira sa pagkatao, lalung lalu na ang sumisira sa ating lipunan. Let us all be one, and let us all unite para maging maayos ang bansa. Mahalin natin ang ating bansa.,” ang bahagi ng pahayag ni Wasan.

Tuwing ikalawang taon, nagsasagawa nang paghahalal ang Layko para sa mga bagong kinatawan kung saan si Wasan ay inaasahang magsisimula ng kaniyang pamumuno sa Enero 2018.

Si Wasan ang hahalili sa kasalukuyang pangulo ng Laiko na si  Mrs. Zeny Capistrano.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang grupo at samahan ng simbahan mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mula sa higit 87 milyon ng mga katoliko sa Pilipinas, 99 na porsiyento ay pawang mga layko o yaong mga bininyagan sa simbahang katolika, habang ang isang porsiyento ay binubuo naman ng mga pari at mga madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,794 total reads

 6,794 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,031 total reads

 42,031 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,515 total reads

 78,515 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,726 total reads

 96,726 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,694 total reads

 180,694 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top