Hayaang matapos ang Martial Law hanggang Disyembre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 520 total reads

Hayaang mapawalang bisa ang Martial Law sa Mindanao hanggang sa ika-31 ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

“If it is until December, then let the military do their work,” ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pahayag nang Arsobispo ay kaugnay na rin umiiral na Martial Law sa buong Mindanao sa kabila ng pagtatapos ng digmaan sa Marawi City- na siyang pangunahing dahilan nang deklarasyon.

“Mahirap talaga kapag nandito kayo sa war-torn area. Then you will understand deeper, why?,” paliwanag ng Obispo.

Bago maitalagang Arsobispo ng Ozamis ay 33-taong naging Obispo ng Prelatura de Basilan si Archbishop Jumoad kung saan marami rin ang mga insidente ng kaguluhan at presensya ng iba’t ibang rebeldeng grupo.

Paliwanag ng Arsobispo, nagkaroon na nang iisang tinig ang mga Obispo sa Mindanao nang ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte at palawigin ang Martial Law dahil sa digmaan sa ilang bahagi ng rehiyon.

“But we have already our position when Martial Law was declared, then there was no vehement objections coming from other bishops of Mindanao,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Natapos ang digmaan sa Marawi City nang mapatay ang mga lider ng Maute-Isis terrorist na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Higit naman sa P50-bilyon ang kinakailangang pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City dahil sa lawak ng pinsalang dulot ng digmaan.

Sa isang mensahe ni Pope Francis binigyan diin nito na walang nagwawagi sa digmaan sa halip ito ay nagdudulot ng pagkasira hindi lamang ng buhay kundi ang kabuhayan ng mamamayan kung saan may nagaganap na kaguluhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,137 total reads

 7,137 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,356 total reads

 42,356 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,840 total reads

 78,840 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,051 total reads

 97,051 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,996 total reads

 180,996 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top