Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging instrumento ng pagkakaisa at pagkakasundo

SHARE THE TRUTH

 315 total views

Ito ang paanyaya ni Diocese of Antipolo Bishop Francisco De Leon sa mga mananampalataya kaugnay sa isinagawang Basic Ecclesial Community (BEC) big day ng diyosesis.

Ayon kay Bishop De Leon, malaking papel ang ginagampanan ng B-E-C upang buhayin at mas pag-alabin ang diwa ng kapit-bahayan habang tinutugunan ang mga suliranin sa lipunan bilang nakakaisang komunidad.

“Ang BEC ay isang bagong pamamaraan ng ating simbahan kung paaano mapaglilingkuran ang ating mga parokyano. Sapagkat ang parokya mismo ay masyadong malaki kaya kailangan natin ng maliliit at munting sambayanang Kristiyano upang matugunan ang kanilang pangangailangan,” pahayag ng Obispo.

May layuning buwagin ang pader ng pagkakaiba-iba at pagkakahati-hati, dinaluhan ang selebrasyon ng nasa mahigit isang libong delgado mula sa 9 na bikarya at 72 parokya sa Diocese of Antipolo.

Kaugnay nito naniniwala si Bishop De Leon na kapag nalaman ng bawat isa ang tunay na kahulugan ng BEC, daramiang bilang ng mga parokyano na sasanib sa mas lumalaking komunidad na pangunahing pumapastol sa mga mananampalatayang nalalayo sa simbahan.

“Maaaring hindi pa sila nakikibahagi sapagkat hindi pa nila alam kung ano ang BEC kaya ang unang hakbang ay alamin nila kung ano ang BEC at kapag nalaman nila ito magagandahan sila at sila ay sasali,” ani Bishop De Leon.

Bukod sa magkakasunod na panayam at pagbabahagi, naging sentro din ng Big Day ang paglulunsad ng bagong logo ng BEC Antipolo at opisyal na pagtatalaga ng bagong BEC Secretariat ng diyosesis.

Mababatid na idineklara ng Simbahang Katolika ang 2017 bilang Year of the Parish as Communities na may temang Forming BECs as agents of communion, participation and mission.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 3,125 total views

 3,125 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 11,441 total views

 11,441 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 30,173 total views

 30,173 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 46,726 total views

 46,726 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 47,990 total views

 47,990 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 100,240 total views

 100,240 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 64,867 total views

 64,867 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top