Taumbayan, hinimok na maging bahagi ng paghihilom ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 479 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat si incoming Catholic Bishop Conference of the Philippines Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa lahat ng mga nakiisa sa isinagawang “Lord, Heal Our Land Sunday” sa EDSA Shrine kung saan inilunsad ang “Start the Healing” campaign ng Simbahan.

Ayon sa Obispo, ang bawat isa ay kabahagi sa pagsusulong ng paghilom ng bayan mula sa mga pagdadalamhati at karahasan na idinulot ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Paliwanag ni Bishop David ang panawagang ito sa paghilom ay bahagi ng pangkabuuang panawagan ng kapayapaan at pagkakaisa sa buong bayan.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng dumalo dito sa ating pagdiriwang at naging napakahulugan at sana lahat tayo ay maging kabahagi dito sa trabaho ng paghihilom, because it’s really a call for peace…” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi naman ng Obispo, ang patuloy na pagpapaigting sa community based rebilitation program ng Diocese of Caloocan para sa mga drug-surrenderers at kanilang pamilya ay bahagi ng hakbang ng diyosesis upang simulan ang paghihilom sa pamayanan.

“Yung paghihilom ay ginagawa namin sa diocese namin sa pamamagitan ng aming community based rebilitation program na tuloy tuloy ngayon sa kasalukuyan…”dagdag pa ni Bishop David.

Unang nanindigan ang Obispo na mahalaga ang pagtanggap at suporta ng pamilya at ng buong kumunidad sa mga drug dependents upang ang mga ito ay makapagbalik loob at makapagbagong buhay.

Batay sa tala ng Diocese of Caloocan, may anim na batch na ang nagtapos sa Church initiative na Salubong na isang 16-week program kung saan noong lamang ika-29 ng Oktubre ay umabot sa 150-ang mga drug dependent ang nagsipagtapos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,172 total reads

 54,172 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,610 total reads

 133,610 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,055 total reads

 167,055 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,353 total reads

 202,353 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,715 total reads

 426,715 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top