CBCP, inaasahan ang maigting na pakikibahagi ng mga kabataan sa NYD

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 409 total reads

Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mas maigting na pakikibahagi ng mga kabataan sa misyon ng Simbahan sa ginaganap na National Youth Day sa Zamboanga City.

Ayon kay Fr. Cunegundo Garganta-Executive secretary ng CBCP-Episcopal Community on Youth, layunin ng ginaganap na pagtitipon simula ika 6 hanggang ika-10 ng Nobyembre.

“Our young people will be more capable of seeing how God had been at worked in their lives. And then be able like Mary to announce the great things that the Lord has done for each individual, and community,” ayon kay Fr. Garganta sa panayam ng Radio Veritas.

Mahigit sa 2,000 kabataan mula sa 82 diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa ang inaasahang makikibahagi sa pagtitipon.

Tiniyak naman ng pari na ikinonsidera ng CBCP-ECY ang umiiral na martial law sa Mindanao region kung saan nasasakop ang Zamboanga, kaya’t lahat ng mga gawain sa buong linggo ay magtatapos bago mag-9 ng gabi.

“Kinonsider ‘yun, by around 9 or 9:30 ang mga delegates ay nakabalik na sa kanilang accommodation especially sa mga poster families. So lahat ng activities ay matatapos ng 8:30 in the evening. Kaya lang mga hanggang 9:30 na palugit para sa transport,” ayon kay Fr. Garganta.

Layunin ng pagtitipon ang pagtibayin ang pananampalataya ng mga kabataan sa kanilang pagyakap bilang misyonero ng simbahan lalu na sa panawagan ng new evangelization at ang tema ngayong taon ay ang ‘The Mighty One has done great things for me, and Holy is His Name’.

Ang NYD ay hanggang sa November 10, habang isasagawa naman ang diocesan Youth Day sa December 9-16.

Binibigyang pagpapahalaga ng Santo Papa Francisco ang pagpapatibay ng pananampalataya ng mga kabataan bilang mga bagong misyonero ng simbahan na siya ring magpapasa ng pananampalataya sa bagong henerasyon.

Base sa 2014 National Filipino Youth Study, 9 sa bawat 10 kabataan na nasa edad 13-22 ang nagsasabing mahalaga ang pananampalataya at 95 porsiyento sa mga nasurvey ang nagsisimba tuwing araw ng Linggo bagama’t mababa sa kalahating porsiyento sa mga respondent ang nangungumpisal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,614 total reads

 56,614 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,889 total reads

 135,889 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,334 total reads

 169,334 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,632 total reads

 204,632 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,869 total reads

 428,869 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,702 total reads

 16,702 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top