Pamilyang Filipino, tunay na biktima ng War on Drugs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

Ang mga pamilya at mga naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi dulot ng extra judicial killings ang tunay na biktima sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Ito ang binigyang diin ni Nardy Sabino – Secretary General ng Promotion of Church People’s Response (PCPR) at Convenor ng Rise Up for Life, Rise Up for Rights.

Paliwanag ni Sabino, maraming pamilya ang nasira at maraming mga bata ang naulila sa mga magulang dulot ng marahas na resulta ng tinagurang War on Drugs ng pamahalaan.

Bukod dito, lalo pang inilubog sa kahirapan ng naturang kampanya ang mga pamilyang dati ng mahihirap kung saan marami ang mga asawang napipilitan itaguyod ng mag-isa ang kanilang mga pamilya.

“Ang War on Drugs ni Pangulong Duterte ay sumira sa maraming pamilya, nagbunsod sa maraming bata na maging abandonado o kaya naman ay mga orphans. Maraming mga asawa lalo na ang mga kababaihan na patuloy na mag-isang itaguyod yung kanilang pamilya, gayundin itinulak nito ang marami pang mga bata at pamilya na humanap kung papaano sila mabubuhay dahil karamihan sa kanila ay dati ng mahirap at ngayon higit pang inilubog sa kahirapan dulot ng War on Drugs…” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ilang mga pamilya rin ng mga naulila dulot ng Drug Related Killings ang nakiisa sa isanawagang Lord Heal Our Land Sunday kung saan inilunsad ang Start the Healing Campaign na nilahukan rin ng iba’t ibang mga organisasyon at sektor ng lipunan.

Batay sa tala ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates o PAHRA tinatayang umaabot na sa halos 13-libo ang mga namatay sa gitna ng tinaguriang War on Drugs ng pamahalaan.

Ang “Start the Healing Campaign” ay ang 33-araw na panalangin at panawagan sa pagrorosaryo na magsisimula sa ika-5 ng Nobyembre hanggang sa ika-8 ng Disyembre –kasabay ng kapistahan ng Solemnity of the Immaculate Concepcion para sa paghilom ng bayan sa gitna ng karahasang idinulot ng mga serye ng pagpasalang sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Sa isinagawang Heal Our Land Sunday, nanawagan ang mga lider ng Simbahan, lay organizations, religious organizations at civil society groups sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na itigil na ang extra judicial killings at mga paglabag sa karapatang pantao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 3,168 total reads

 3,168 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 38,604 total reads

 38,604 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 75,088 total reads

 75,088 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 93,299 total reads

 93,299 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 177,483 total reads

 177,483 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,728 total reads

 38,728 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top