Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawaing Simbahan sa Mindanao, hindi apektado ng Martial Law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 322 total views

Hindi maapektuhan ng umiiral na Martial Law ang mga gawaing simbahan ngayong Disyembre partikular na ang pagdiriwang ng Misa de Gallo o simbang gabi.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, hindi magiging hadlang ang curfew para sa mga gawaing simbahan tulad ng pagsasagawa ng misa ngayong kapaskuhan.

“Maski may curfew. They (military) will understand as long as you write a letter and inform them,” ayon kay Archbishop Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.

Unang inihayag ng Arsobispo na hayaang matapos ang martial law sa Mindanao ng hanggang sa katapusan ng taon.

Paliwanag ni Archbishop Jumoad, kalimitan ay dalawa ang misa sa madaling araw ito ay isinasagawa tuwing alas-3 at alas-4 ng madaling araw.

Ang curfew ay nagsisimula ng 10 ng gabi hanggang sa 5:00 ng umaga.

Sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa deklarasyon ng batas militar kabilang sa mga may curfew ang Lanao Del Sur, Lanao Del Norte, Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato at Zamboanga.

Ang rehiyon ng Mindanao ay binubuo ng limang Arkidiyosesis kabilang dito ang Ozamis, Zamboanga, Cotabato, Cagayan De Oro at Davao.

Nagsisimula naman ang novena mass para sa panahon ng adbiyento ng December 15 hanggang sa Dec. 24 ang bisperas ng araw ng Pasko.

Ang misa de gallo ay isang tradisyong katoliko na hanggang ngayon ay isinasagawa hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Espanya, Bolivia at Puerto Rico.

Sa isang mensahe noon ni Pope Emeritus Benedict XVI, hinikayat niya ang mga mananampalataya na hanapin ang tunay na kahulugan ng pasko o ang pagsilang ni Kristo na ating tagapagligtas at iwaksi ang komersyalismo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 21,539 total views

 21,539 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 67,262 total views

 67,262 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 69,472 total views

 69,472 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 142,142 total views

 142,142 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 153,299 total views

 153,299 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top