Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sundin ang closure order, apela ng Simbahan sa may-ari ng container yard sa Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 418 total views

Nanawagan ang Parish Priest ng Holy Angels Parish sa Bulihan, Plaridel, Bulacan sa tuluyang pagpapahinto ng operasyon ng Inter-Pacific Highway Transport Corporation na banta sa kaligtasan ng mga residente ng Bulihan, Plaridel, Bulacan.

Ayon kay Father Rico Trinidad, bukod sa mapanganib sa kaligtasan ng mga residente ang mga mahahabang truck ng container vans ay labis din na nagiging maputik at maalikabok ang kanilang lugar kahit walang operasyon sa container yard ng IHTC.

“Kami po ay hindi tutol sa kaunlaran, nais lamang namin ay yung kaligtasan ng mga tao kasi nalalagay sa alanganin ang public safety ng mga tao dahil sa maraming mahahabang truck na may dalang container vans.” pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Pinasasalamatan naman ni Father Trinidad ang Department of Environment and Natural Resources o DENR matapos ipatupad ang cease and desist order sa IHTC.

Nasasaad sa kautusan ng DENR na hindi na maaaring gamitin ng IHTC ang mga container yards 1,2 at 3.

Binigyan ng DENR ng hanggang ika-30 ng Nobyembre ang IHTC upang bakantehin ang mga nasabing container yard na 8-taon ng ginagamit ng kumpanya.

Sa panayam ng Radio Veritas, iginiit ni Virgilio Licuan, chief legal unit ng DENR-Environmental Management Bureau Region 3 na kailangang i-vacate ng IHTC ang mga container yard sa itinakdang araw ng kautusan.

“Kailangan i-vacate nila yung container yards 1,2,3. Yung aming inspection, nakita namin na yung 1 ay vacated na wala nang container na nakalagay doon at the same time yung 2, yung number 3 naman ay may naiwan pa so binigyan sila ng until 30 ng November para ma vacate lahat maalis lahat yung mga container,” pahayag ni Licuan sa Radio Veritas.

Binigyan diin ni Father Trinidad na kanilang babantayan ang IHTC at titiyaking susunod sa napagkasunduang palugit na ibinigay ng DENR hanggang sa ika-30 ng Nobyembre 2017.(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 21,688 total views

 21,688 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 67,411 total views

 67,411 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 69,621 total views

 69,621 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 142,287 total views

 142,287 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 153,434 total views

 153,434 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 330,095 total views

 330,095 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top