BEC, magtataguyod sa pangangailangan ng mga mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total reads

Naniniwala si Diocese of Malaybalay Bishop Jose Cabantan,Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities (BEC) na maaaring maging kasangkapan ng pagtulong sa mahihirap ang bukluran ng maliliit na sambayanang Kristiyano.

Inilahad ni Bishop Cabantan na kung pagsasama-samahin ang maliliit na handog ay makabubuo ito ng malaking pakinabang hindi lamang para sa iilang tao kundi sa buong komunidad na nakasentro kay Kristo.

Ayon sa Obispo, sa kanilang diyosesis mismo ay kusang-loob na lumilikha ng mga programa ang mga BEC upang suportahan ang mga maliliit na tao at yaong mga naisasantabi sa komunidad.

“Some of our BEC resulted to.. parang pagtulong sa mga pangangailangan kahit maliit. Dito sa Bukidnon for instance, very common ang tinatawag naming ‘dayong’, it’s like a small contribution to address their needs usually if something happened to a member of a community or somebody has died,” kuwento ni Bishop Cabantan.

Dahil pangunahing kabuhayan sa kanilang diyosesis ang pagtatanim, idinagdag pa ng Obispo na nagsisilbi itong plataporma na nagpapatibay at humuhubog sa pagkakaisa ng bawat miyembro ng BEC.

“They also [BEC] organize themselves to put up something like a common farm so that they can address their common needs and after celebrating the mass they can share something from their own common farm. So in that way, the poor are really the ones who are helping themselves with that kind of BEC,” ani Bishop Cabantan.

Ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng Simbahang Katolika ng World Sunday of the Poor sa darating na ika-19 ng Nobyembre, inihayag ni Bishop Cabantan na magandang pagkakataon ito upang mas pag-alabin ng bawat mananampalataya ang kanilang pagmamalasakit sa kapwa at mga nasa laylayan ng lipunan.

Magtatapos sa ika-30 ng Nobyembre ang Year of the Parish as Communion of Communities habang opisyal na ilulunsad ng simbahang Katolika ang Year of the Clergy and Consecrated Persons sa ikatlong araw ng Disyembre kasabay ng unang Linggo ng Adbiyento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,181 total reads

 59,181 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,280 total reads

 138,280 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,725 total reads

 171,725 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,023 total reads

 207,023 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,145 total reads

 431,145 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,779 total reads

 297,779 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,806 total reads

 408,806 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top