Walang katumbas na salapi ang tao

SHARE THE TRUTH

 267 total views

Ito ang binigyang-diin ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education kaugnay sa nalalapit na paggunita ng simbahang katolika sa World Day of the Poor.

Ayon kay Bishop Mallari, bawat tao ay nilikha na kawangis ng Diyos at kailanman ay hinding hindi ito matutumbasan ng anumang salapi o materyal na yaman.

“Ang halaga ng tao ay hindi nakabase sa pera. ‘Yung halaga niya ay yung katotohanan na siya ay nilalang na kawangis ng Diyos. Kaya kapag sinabi mo kung gaano kalahaga ang tao, puwede nating masabi na God offered his life, this is how valuable man is,” pahayag ni Bishop Malalari.

Sa pagdidiriwang ng Linggo para sa dukha, inihayag ng Obispo na hindi rin dapat kalimutan ang mga mahihirap na walang-awang pinatay dahil sa paggamit ng iligal na droga sapagkat lahat ng inidibwal ay pantay-pantay sa mata ng Panginoon at hindi dapat pagkaitan ng karapatang mabuhay.

“Yung hamon ni Pope Francis na abutin lahat ng mga nasa laylayan ay nanggagaling doon sa paninidigan na ang lahat ng tao ay mahalaga, na lahat ng tao ay nilalang sa wangis ng Diyos lalong lalo na itong mga biktima, drug addicts at drug pusher because everyone is consider valuable before God,” dagdag ni Bishop Mallari.

Sa huling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), 60 porsiyento ng mga Filipino ang naniniwala na tanging mahihirap na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot lamang ang pinapatay at hindi yaong mga mayayamang drug pushers.

Bukod sa pagtulong at pagmamalasakit, sinabi ni Bishop Mallari na tunay lamang malalaman ng bawat isa ang problema at tunay na kalagayan ng mga mahihirap kung ilalagay natin ang sarili sa kanilang sitwasyon.

Una nang idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco ang ika-19 araw ng Nobyembre bilang kauna-unahang paggunita ng simbahang katolika ng World Day of the Poor.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 20,572 total views

 20,572 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 39,544 total views

 39,544 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,209 total views

 72,209 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,220 total views

 77,220 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 119,292 total views

 119,292 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 55,551 total views

 55,551 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 81,366 total views

 81,366 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 123,315 total views

 123,315 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top