Serbisyo publiko at hindi negosyo, unahin sa problema ng MRT

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total reads

Pulitika ang puno’t dulong problema ng sunod-sunod na aberya ng mga tren sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ni United Filipino Consumers and Commuters President RJ Javellena sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radio Veritas.

Ayon kay Javellana, ang mga opisyal na dapat sana’y magseserbisyo sa publiko para makapagbigay ng maayos at ligtas na transportasyon ay nagiging mga negosyante at naisasantabi ang kapakanan ng mga pasahero.

“Base sa mga general managers ng mga nagdaan, yung iba ho pumapasok sa gobyerno hindi para magbigay serbisyo-publiko kundi ang kanilang pangunahing pakay ay magnegosyo. Marahil may mga malalakas na pwersa ng negosyante at ilang mga pulitiko na nagpapaupo sa mga posisyon na ito para makontrol nila ang pagnenegosyo kaya po tayo nagkakaroon ng mga ganitong problema,” ani Javellana.

Batay sa Comparative Summary of Maintenance Provider Performance Report ng Manila Metro Rail Transit System (MRT), umabot na sa 2,600 ang naiatalang insiidente ng pagkasira ng mga tren sa bansa mula 2010 hanggang 2016.

Mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon lamang ay umabot na sa mahigit 400 ang unloading incidents sa MRT.

Inihayag naman ni Javellana ang magandang hakbang ang ginawang pagtapos ng pamahalaan sa 17-taong kontrata ng Busan Universal Rail Incorporated bilang MRT operator at ang pagtake-over ng gobyerno sa pangangasiwa ng MRT Line 3.

“Maganda po ang ginawa ng pamahalaan ngayon na inilagay nila sa kontrol nila [ang MRT Line 3] dahil nakita naman natin yung perfromance ng mga private concessioners at contractors na ito. Una pwede tayong makatipid pero huwag naman sa ibulsa. Sana matuto na ang kasalukuyang administrasyon dun sa mga political at management issues na ito,” dagdag pa nito.

Una nang inihayag ni Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez na patuloy na pinag-aaralan ng kagawaran departamento ang mga kompanyang nagpahayag ng interes upang pangasiwaan ang MRT line 3 kabilang na ang Sumitomo Corporation, RATP Development at Singapore MRT.

Patuloy naman ang pagpaalala ng Kanyang Kabanalan Francisco sa bawat bansa na magsulong ng mga programa na mapakikinabangan ng lahat ng mga mamamayan kabilang na rito ang isang ligtas na transportasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 22,492 total reads

 22,492 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 109,214 total reads

 109,214 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 155,953 total reads

 155,953 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 203,825 total reads

 203,825 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 306,672 total reads

 306,672 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,118 total reads

 312,118 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,508 total reads

 418,508 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top