Pabahay at Urbanisasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,251 total reads

Kapanalig, ang pabahay o shelter ay isa sa pangunahing pangangailangan ng bawat tao. Kaya lamang, ang pabahay sa atin ay mahirap abutin; ito ay pangarap na lagi na lamang mailap.

Mabilis na rin kasi ang urbanisasyon sa maraming lugar sa bansa. At pag mabilis ang antas nito, mabilis din tumataas ang halaga ng lupa. Sa ngayon nga, 33 na ang ating highly urbanized cities, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Apat sa mga syudad na ito ay higit pa sa isang milyon ang populasyon: ang Quezon City (2.94 million), City of Manila (1.78 million), Davao City (1.63 million), at Caloocan City (1.58 million).

Kapanalig, sa mga lugar na ito, napakamahal ng lupa ngunit dito rin marami ang gusto manahan dahil dito rin marami ang oportunidad. Ayon sa isang presentasyon ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) noong 25th SHDA National Developer’s Convention noong nakaraang taon,[1] umabot na sa 5.5 million pamilya ang total housing need sa bansa. Karamihan sa mga pamilyang ito ay nakatira sa Luzon at Metro Manila.

Habang dumadaloy ang panahon, mas tataas pa ang urbanization rate natin, at mas tataas pa ang halaga ng lupa. Noong 2010, nasa 45.3% na ang urbanization rate ng bansa. Ayon sa UNESCAP, ito ay magiging 56% pagdating ng 2050. Kasabay ng urbanisasyon ay ang pagdami rin ng ating populasyon, lalo na sa mga urban centers. Nasa 12.6 million na kapanalig, ang populasyon sa CALABARZON, na mas mabilis na rin ang urbanisasyon ngayon. Sa Metro Manila, nasa 11.9 million na ang dami ng tao.

Kaya nga’t ang hirap magkabahay para sa maraming pamilya ngayon, lalo pa’t kung nais mo sa Metro Manila at CALABARZON, kung saan may mga trabaho. Maliban sa mahal, napakahirap ng proseso. Kapag umutang ka sa bangko, malaki pa rin ang iluluwal mong pera para sa processing. Hindi makakayanan ng ordinaryong Pilipino. Kahit pa sa socialized housing, ang proseso ay masalimuot. Ang paglalakad para sa titulo ng lupa, bawat hakbang may naka-abang na gastos. Kapag nagpatayo ka naman ng bahay, bawat proseso ng pagkuha ng permit, gastos din.

Kapanalig, kelangan na gawing mas simple at abot kaya ang gastos at proseso sa pagkakaroon ng bahay sa bansa. Ang ordinaryong pamilya ay hirap na ngang abutin ang gastos, mas hirap pang lakarin lahat ng requirements, lalo’t pa arawan ang sweldo ng karamihan at may mga supling na inaalagaan. Kitang-kita, hindi akma ang mga proseso at presyo sa tunay na buhay ng mga Filipino.

Ang Solicitudo Rei Socialis ni Saint Pope John Paul II ay may paalala sa atin: Ang kawalan ng pabahay ay simbolo ng sunod sunod nating pagkukulang. Pinapakita nito kung gaano tayo kalayo sa tunay na kaganapan ng ating pagkatao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 11,328 total reads

 11,328 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 92,944 total reads

 92,944 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 194,670 total reads

 194,670 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 231,458 total reads

 231,458 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 261,561 total reads

 261,561 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pahirapang dagdag-sahod

 11,329 total reads

 11,329 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 92,945 total reads

 92,945 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 194,671 total reads

 194,671 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 231,459 total reads

 231,459 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »
Scroll to Top