Debosyon sa Poong Nazareno, language of love at language of the heart

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total views

Ang masidsing pagpapakita ng pananampalataya at debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ay maituturing na ‘language of love’ at ‘language of the heart’ ng mga deboto.

Ito ang ibinahagi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman – CBCP-Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa taunang Traslascion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno tuwing ika-9 ng Enero na dinaragsa ng milyon-milyong mananampalataya.

Ayon sa Obispo, bagamat maituturing na kakaiba ang masidhing paraan ng pagdedebosyon ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno ay hindi dapat na ikatwa sapagkat ito lamang ay ang kanilang paraan ng pagpapahayag ng labis na pagmamahal at pananampalataya sa Panginoon.

Giit ni Bishop Pabillo, tanging ang mga indbidwal na hindi marunog magmahal ang hindi makakaintindi sa paraan ng pagpapahayag ng mga deboto sa kanilang pagnanais na mapalapit sa Panginoon.

“Hindi makakaintindi niyan ang mga taong hindi nagmamahal ngunit ang nagmamahal ay may kanya-kanyang pamamaraan to express ang kanilang pagmamahal at kung yan yung expression ng pagmamahal ng mga tao na maging malapit sa Diyos ay dapat yan ay igalang natin kumbaga hindi naman nakakasama yung ganyang pagpapahayag ng pagmamahal, nagpapalapit pa nga sa kanila sa Panginoong Diyos at ayaw ba natin na mapalapit ang mga tao sa Diyos kaya yan po ay language of love, language of the heart hindi yan language of the mind kaya dapat yan igalang natin yan…” pahayag ni Bishop Pabillo.

Kaugnay nito batay sa tala ng pamunuan ng Quiapo Church noong nakalipas na Traslacion 2017, umabot sa 18-milyong mga deboto ang nakiisa sa Traslacion.

Noong nakalipas na taon umabot ng 21-oras ang itinagal ng Traslacion mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church habang ang pinakamahaba naman ay naganap noong 2012 na tumagal ng 22-oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 99,653 total views

 99,653 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 122,812 total views

 122,812 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 144,086 total views

 144,086 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 306,335 total views

 306,335 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 4,446 total views

 4,446 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top