Ang Hari ng Maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 807 total views

Kapanalig, nalalapit na naman ang Translacion.

Kada Enero 9, libo libong mga Filipino ang napunta sa Quiapo nang naka-paa at naka-maroon na kulay ng kamiseta. Lahat sila ay mga deboto ng San Nazareno. Kadalasan, ang debosyon na ito ay sinalin sa kanila ng kanilang mga magulang. Ngayon, sinasalin na ito sa kanilang mga anak.

Bagaman marami sa mga deboto ng Nazareno ay may kaya at may pangalan na sa lipunan, hindi natin makakaila na marami rin sa kanila ay kasama sa maralitang sektor. Tulad ng debosyon sa San Nazareno, ang kanilang kahirapan ay nasalin rin sa mga sumunod na herenasyon.

Sa ngayon, mga 26 milyon ang mga Filipinong naghihirap, at kalahati nito ay hindi kayang tustusan ang gastos nila kahit sa pagkain lamang. Ito ang realidad ng buhay ng marami sa ating mga Filipino.

Kapanalig, si Kristo, ang hari ng maralita, ay hindi nagnais na mabuhay ng salat ang mga Filipino. Hari siya ng maralita hindi dahil nais niyang maging mahirap ang tao, kundi dahil naglalakbay siya at sinasamahan tayo tungo sa kaganapan ng ating pagkatao. Ito ang ehemplo ng Nazareno: ang samahan ka kahit ano pa man ang pinagdadaanan mo ngayon, tungo sa ginhawa.

Ang ehemplong ito ang ating nakakaligtaang sundan pagkatapos ng Translacion. Tuwing pista, tabi tayo sa init at sikip, mayaman man o mahirap. Pag tapos nito, kanya-kanyang uwi. Yun iba, tungo sa kanilang air-conditioned na bahay, yung iba, tungo sa kanilang barong-barong. Hanggang Quipao lamang ang ating pagiging magka-alakbay.

Kapanalig, ang ating pananalig ay hindi lamang dapat mapako at maiwan sa prusisyon. Ang ating pananalig ay dapat tumulak sa atin, maralita man o mayaman, na kumilos. Ito ang faith in action. Panahon na upang maging kongreto ang ating debosyon. Huwag nating sayangin ang simbolo ng Nazareno sa taunang Tranlasion lamang. Hindi nararapat na minsan sa isang taon lamang nating sinasabuhay ito ngunit tila nililimot sa mga ordinaryong araw.

Kaya’t sana ngayong taon, mag-iba na. Sana ngayong taon, ang Translacion ay maging way of life nating mga Filipino, hindi lamang tradisyon.

Ang Evangelii Gaudium ni Pope Francis ay may mahalagang aral na maaring makatulong sa atin upang maging tunay na kaalakbay ng isa’t isa: “Ang bawat isa sa atin ay tinatawag na maging instrumento ng kalayaan ng maralita upang tunay silang makalahok sa lipunan… Ang salitang solidarity, gasgas man o luma na, ay hindi natin tunay na nauunawaan. Ito ay hindi lamang paminsan-minsang pagbubukas palad. Ito ay pagbabago ng pananaw. Ito ay ang pagpapalawak ng ating kaiisipan upang yakapin ang kapwa at unahin ang buhay kaysa pera.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 17,957 total views

 17,957 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 27,321 total views

 27,321 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 53,777 total views

 53,777 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 103,779 total views

 103,779 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 107,979 total views

 107,979 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baluktot na katotohanan

 17,959 total views

 17,959 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 27,323 total views

 27,323 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 53,779 total views

 53,779 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 103,781 total views

 103,781 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »
Scroll to Top