Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Debosyon sa Poong Nazareno, language of love at language of the heart

SHARE THE TRUTH

 451 total views

Ang masidsing pagpapakita ng pananampalataya at debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ay maituturing na ‘language of love’ at ‘language of the heart’ ng mga deboto.

Ito ang ibinahagi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman – CBCP-Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa taunang Traslascion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno tuwing ika-9 ng Enero na dinaragsa ng milyon-milyong mananampalataya.

Ayon sa Obispo, bagamat maituturing na kakaiba ang masidhing paraan ng pagdedebosyon ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno ay hindi dapat na ikatwa sapagkat ito lamang ay ang kanilang paraan ng pagpapahayag ng labis na pagmamahal at pananampalataya sa Panginoon.

Giit ni Bishop Pabillo, tanging ang mga indbidwal na hindi marunog magmahal ang hindi makakaintindi sa paraan ng pagpapahayag ng mga deboto sa kanilang pagnanais na mapalapit sa Panginoon.

“Hindi makakaintindi niyan ang mga taong hindi nagmamahal ngunit ang nagmamahal ay may kanya-kanyang pamamaraan to express ang kanilang pagmamahal at kung yan yung expression ng pagmamahal ng mga tao na maging malapit sa Diyos ay dapat yan ay igalang natin kumbaga hindi naman nakakasama yung ganyang pagpapahayag ng pagmamahal, nagpapalapit pa nga sa kanila sa Panginoong Diyos at ayaw ba natin na mapalapit ang mga tao sa Diyos kaya yan po ay language of love, language of the heart hindi yan language of the mind kaya dapat yan igalang natin yan…” pahayag ni Bishop Pabillo.

Kaugnay nito batay sa tala ng pamunuan ng Quiapo Church noong nakalipas na Traslacion 2017, umabot sa 18-milyong mga deboto ang nakiisa sa Traslacion.

Noong nakalipas na taon umabot ng 21-oras ang itinagal ng Traslacion mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church habang ang pinakamahaba naman ay naganap noong 2012 na tumagal ng 22-oras.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,213 total views

 17,213 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,301 total views

 33,301 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,021 total views

 71,021 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 81,972 total views

 81,972 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,643 total views

 25,643 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 15,198 total views

 15,198 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top