Arnold Janssen Kalinga Foundation, pinarangalan ng iVolunteer Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,303 total views

Ginawaran ng pagkilala ng iVolunteer Philippines ang Arnold Janssen Kalinga Foundation sa naganap na iVolunteer’s Partner Appreciation Night noong ikalawa ng Marso, 2024.

Ang iVolunteer Philippines ay isang nonprofit charitable organization na nagsisilbing largest volunteer portal sa bansa o nagsisilbing tulay sa mga nagnanais makibahagi sa iba’t ibang volunteer organization sa buong bansa.

Partikular na iginawad ng iVolunteer Philippines ang ‘Volunteer Engaging New Partner of the Year’ sa Arnold Janssen Kalinga Foundation bilang bagong katuwang na organisasyon o NGO partner mula noong 2023 na may pinakamataas na volunteer feedback at pinakamadaming ‘engaged volunteers’ noong nakalipas na taon.

Ikinalugod naman ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang pagkilalang iginawad ng iVolunteer Philippines bilang bagong katuwang na organisasyon mula noong nakalipas na taon.

“We’re blown away by the recognition! Thank you to iVolunteer Philippines for recognizing us as their “New Partner of the Year”. We’re so honored to be working with such an inspiring group. Thank you for a wonderful night!” Bahagi ng pahayag ng AJKF.

Inihayag ni Rev. Fr. Flavie Villanueva – Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center ang Arnold Janssen Kalinga Foundation na itinatag ng Society of Divine Word (SVD) Congregation noong 2015 ay bunga ng pagnanais na matugunan ang pagdami ng mga mahihirap partikular na ang mga palaboy na walang sariling tahanan sa kalakhang Maynila.

Unang inihayag ng Pari na may tatlong bahagi ang misyon ng Arnold Janssen Kalinga Center na pagbibigay ng pangkabuuan at sistematikong pagpapahalaga sa dignidad ng bawat nangangailangan, pagkakaloob ng alternative learning system at mapagkakakitaan upang muling maibalik ang self-worth ng bawat isa para sa pagkakaroon ng panibagong buhay.

Naitatag ang iVolunteer Philippines noong 2009 matapos ang Bagyong Ondoy na naglalayong magsilbing gabay sa mga nagnanais na tumulong at magbahagi ng kanilang mga donasyon at panahon sa mga volunteer organizations para sa iba’t ibang sektor na nangangailangan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,341 total views

 57,341 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,210 total views

 53,210 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 89,412 total views

 89,412 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,792 total views

 97,792 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,344 total views

 122,344 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top