Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,481 total reads

Ang Mabuting Balita, 7 Marso 2024 – Lucas 11: 14-23

SIYA AY DIYOS

Noong panahong iyon, pinalayas ni Jesus ang isang demonyong sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki, at ito’y nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao, ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” May iba namang nais siyang subukin, kaya’t nagsabi, “Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.” Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa kanila, “Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayun? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos. “Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw. “Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.”

————

Nanggilalas ang mga tao, ngunit para sa ilan sa kanila hindi ito sapat. Humingi pa ng kababalaghan na magpapakilala na ang Diyos ang sumasakanya, para bang ang pagpapalayas ng demonyo ay hindi kababalaghang mula lamang sa Diyos. Marahil sila ay nainggit kay Jesus, kung hindi, bakit nila sasabihing nagpalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng prinsipe ng mga demonyo? Bakit lalayas ang demonyo sa isang taong sinapian niya? Para sa kanila, ito ay isang malaking tagumpay.

Kapag nagaganap ang isang milagro sa atin o kahit sa iba, maging malaki o maliit na milagro, bilang mga Kristiyano ang kailangan lang nating gawin ay ang kilalanin ang kadakilaan ng Diyos at magpasalamat sa kanya. Walang tanong-tanong. SIYA AY DIYOS.

Salamat Panginoong Jesus, sa mga milagro na nagaganap sa aming buhay araw-araw. Salamat na dahil sa iyo, maaari kaming mapunta sa iyong panig at mag-ipon kasama mo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 114,956 total reads

 114,956 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 149,227 total reads

 149,227 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 183,358 total reads

 183,358 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 239,762 total reads

 239,762 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NO LIMITS

 5,022 total reads

 5,022 total reads Gospel Reading for October 30, 2026 – Luke 14: 1-6 NO LIMITS On a sabbath Jesus went to dine at the home of

Read More »

FEAR

 9,451 total reads

 9,451 total reads Gospel Reading for October 29, 2026 – Luke 13: 31-35 FEAR Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave this area

Read More »

INSTRUMENTS

 10,985 total reads

 10,985 total reads Gospel Reading for October 28, 2026 – Luke 6: 12-16 INSTRUMENTS Jesus went up to the mountain to pray, and he spent the

Read More »

UNSTOPPABLE

 8,102 total reads

 8,102 total reads Gospel Reading for October 27, 2026 – Luke 13: 18-21 UNSTOPPABLE Jesus said, “What is the Kingdom of God like? To what can

Read More »
Scroll to Top