Maging tunay na saksi ni Kristo, hamon ng Obispo sa mga digital influencers ng Asya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,800 total reads

Hinamon ni Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC)–Office of Social Communication Chairman, San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang mga Catholic digital influencers sa Asya na maging tunay na mga saksi ni Kristo sa digital world, higit pa sa pagiging tagalikha ng content at tagasunod online.

Sa kanyang mensahe kaugnay ng kauna-unahang Asian Catholic Digital Missionary Assembly (ACDMA) 2026, sinabi ni Bishop Maralit na siya ring Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, na layunin ng pagtitipon na tipunin ang mga Catholic digital influencers mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya, kabilang ang mga Pilipinong may kakayahang gamitin ang kanilang impluwensiya upang maabot at maakay ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mensahe.

Binigyang-diin ng Obisop na hindi lamang dami ng followers, content, o impluwensiya ang dapat maging sukatan ng isang digital missionary kundi ang malaking ambag nito sa pagsusulong ng ebanghelyo sa lipunan.

“The call here, hindi lang tayo influencers, hindi lang ang content na tayo, hindi lang ang sinusundan tayo. Ang maganda dito, ang pag-uusapan natin, you know, the first influencer is Christ.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Maralit sa Radyo Veritas.

Ayon kay Bishop Maralit, si Kristo mismo ang dapat maging sentro ng digital mission at hindi ang personal na kasikatan o impluwensiya ng isang content creator.

Higit dito, sinabi rin ng Obispo na tinatawagan ang mga Catholic digital influencers na maging witness o saksi bilang mga taong hindi lamang nagpapahayag tungkol kay Kristo kundi isinasabuhay ang Kanyang mensahe.

“We are not called only to be influencers, but we are called to become witnesses. ‘Yung mga taong dala si Kristo, at hindi lang dala si Kristo, kundi isinasapamumuhay ang mensahe ni Kristo.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Umaasa naman si Bishop Maralit na ang unang Asian Catholic Digital Missionary Assembly (ACDMA) ay magsisilbing simula ng mas malawak na pagkilos ng mga Catholic digital missionaries sa Asya upang ipaalala sa mga mananampalataya na bahagi ng kanilang misyon ang pagiging saksi ni Kristo maging sa digital world.

“Sana’y apoy na magsisimulang magpaalala sa ating lahat ng mga nananampalataya that we are called to become missionaries in this world na tinatawag na digital.” Ani Bishop Maralit.

Tema ng ACDMA 2026 ang “Influencer to Witnesses: A Synodal Way for Digital Mission in Asia” na layuning ipaalala sa mga mananampalataya na tinatawagan ang lahat na ipahayag ang kanilang mga nakita, naranasan, at narinig sa kapwa.

Tinatayang aabot sa halos 90 ang mga delegadong nakibahagi sa kauna-unahang Asian Catholic Digital Missionary Assembly (ACDMA) 2026 na pawang mga digital creators, content producers, at faith influencers mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya kabilang na sa mga bansang Bangladesh, Cambodia, China, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Myanmar, Pakistan, Palestine, Taiwan, Thailand, Vietnam, South Korea Zimbabwe, Ireland, Italy, at Pilipinas.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,592 total reads

 27,592 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 51,864 total reads

 51,864 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 90,747 total reads

 90,747 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 124,875 total reads

 124,875 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 181,281 total reads

 181,281 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,593 total reads

 27,593 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top