Simbahan, hinimok ng Obispo na ipagpatuloy ang pakikilahok at pakikinig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,020 total reads

Hinimok ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang Simbahang Katolika na ipagpatuloy ang diwa ng pakikinig at pakikilahok na bunga ng Synod on Synodality.

Ito ang mensahe ng obispo matapos niyang ilunsad ang kanyang aklat na Spirituality of Synodality: A Compilation of Talks on Synodality sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong September 11.

Ayon kay Bishop Vergara, malinaw sa mga karanasan sa isinagawang diocesan consultation na sabik ang mga mananampalataya na magkaroon ng mas malawak at tuloy-tuloy na pagkakataong makilahok sa buhay ng Simbahan.

“Magugulat ka, parang nandoon ‘yung eagerness nila to participate. At isa nga sa mga testimonies nila sa aming diocese is, ‘Puwede kaya na gawin ‘to taon-taon?’” pagbabahagi ni Bishop Vergara sa Radyo Veritas.

Sinabi ng obispo na nilalaman ng aklat ang serye ng kanyang mga pagninilay at mga panayam bago, habang, at matapos ang celebration phase ng Synod on Synodality, kabilang ang kanyang karanasan bilang delegado ng Simbahan ng Pilipinas sa Synod of Bishops sa Roma.

Aniya, pinili niyang tawaging Spirituality of Synodality ang aklat dahil nakaugat ang mga nilalaman nito sa mga konkretong karanasan at testimonya ng mga nasa iba’t ibang antas ng Simbahan.

“Makikita mo ‘yung evolution niya, kaya ko in-entitle na ‘Spirituality of Synodality, kasi ‘yung mga naisulat ko diyan, may mga concrete experiences,” dagdag ng obispo.

Kabilang sa mga paksa ng aklat ang synodal leadership para sa mga pari, pagiging “pilgrim priests of hope,” synodality sa Catholic schools, at transparency at accountability sa pamamahala ng mga resources ng mga diyosesis.

Binigyang-diin ni Bishop Vergara na mahalagang pakinggan ang mga karanasan ng mga nasa grassroots at mga nasa laylayan upang higit na maunawaan ng Simbahan ang mga hamong kinakaharap nito.

Samantala, sinabi ni CBCP President, Lipat Archbishop Gilbert Garcera, na ang synodality ay hindi lamang isang paraan ng pastoral na pagpaplano kundi isang mahalagang paraan ng pamumuhay ng Simbahan.

“Synodality is not merely a pastoral program or ecclesial method; it is a spirituality of listening,” mensahe ni Archbishop Garcera sa isinagawang book launching.

Ayon sa arsobispo, inaanyayahan ng Synod on Synodality ang Simbahan na muling tuklasin ang kanyang pagkakakilanlan bilang bayan ng Diyos na sama-samang naglalakbay sa patnubay ng Espiritu Santo.

Binigyang-diin ng CBCP president na makatutulong ang aklat ni Bishop Vergara upang maisabuhay ang isang Simbahang marunong makinig, tumanggap, maglingkod at sama-samang maglakbay, lalo na sa pakikinig sa tinig ng mga nasa laylayan.

Inilarawan ni Archbishop Garcera ang aklat bilang mahalagang sanggunian para sa mga obispo, pari, relihiyoso, lay leaders, educators at iba pang nagnanais na higit na maunawaan ang synodality bilang paraan ng pagiging Simbahan.

Ang Spirituality of Synodality ay inilathala ng Claretian Publications.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,657 total reads

 27,657 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 51,942 total reads

 51,942 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 90,820 total reads

 90,820 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 124,948 total reads

 124,948 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 181,354 total reads

 181,354 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top