Isabuhay nang may pananampalataya ang pagmamahal sa Salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,257 total reads

Hinikayat ng Society of St. Paul ang mga kabataan na higit na palalimin ang kanilang pagmamahal sa Salita ng Diyos at hindi lamang ito pag-aralan o isaulo, kundi isabuhay nang may pananampalataya at paninindigan.

Ito ang panawagan ni Father Angelo Paolo Asprer, SSP creative director ng St. Paul’s Publishing, Digital, Social Media and Biblical Initiatives, sa ginanap na 13th St. Paul National Bible Quiz (SPNBQ) National Championship ngayong September 12 sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City.

Ayon kay Fr.Asprer, bahagi ng misyon ng Society of St. Paul ang pagpapalaganap ng Bibliya, lalo na sa mga kabataan at pamilya, gamit ang pinakamabilis at pinakamabisang paraan ng komunikasyon dahil layunin ng National Bible Quiz na muling pag-alabin at patatagin ang pagmamahal ng kabataan sa Salita ng Diyos.

Iginiit ng pari na ang tunay na kompetisyon ay hindi lamang nagaganap sa loob ng Manila International Book Fair, kundi sa paraan ng pamumuhay ng mga kalahok matapos nilang matutuhan ang Salita ng Diyos.

Inihayag ni Father Asprer na hindi sapat na makamit lamang ng mga kalahok ang kaalaman sa Bibliya at dahil mas mahalaga ang pagsasabuhay nito nang may passion at commitment.

“And of course, to the participants of the St. Paul National Bible Quiz, congratulations, thank you very much for your passion for the word of God. Well, all the best in this competition, but as we would say, the real competition is outside. The walls of this Manila International Book Fair. So, it’s not just simply our search for for knowledge, but also, but above all else, you know, how we live the world, not just simply study the word, learn the word, memorize the word, but above all, live the world with passion and with commitment,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Asprer.

Kaugnay nito, ibinahagi nina Reighn David at Ramea Jeanel Guico, ng Mary Help of Christians College, San Jose del Monte at kalahok sa Bible Quiz Bee ang pasasalamat sa Society of St. Paul dahil kapwa nila itinuring na isang karangalan ang maging bahagi ng National Championship.

Taunang evangelization ministry ng Society of St. Paul ang St. Paul National Bible Quiz na nilalahukan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa upang palalimin ang kanilang kaalaman at pagmamahal sa Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng friendly competition, pagkatuto at pananampalataya.

Isinagawa ang ika-13 edisyon ngayong taon sa temang “Sowers of the Word: Channels of Peace,” na nakatuon sa paghubog sa mga kabataang nagbabahagi ng Salita ng Diyos at nagsisilbing instrumento ng kapayapaan sa kanilang mga komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,506 total reads

 22,506 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,622 total reads

 103,622 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 137,071 total reads

 137,071 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,369 total reads

 172,369 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 398,124 total reads

 398,124 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top