Maglaan ng oras sa pagbabasa ng bibliya, apela ng mga kampeon ng national bible quiz sa kapwa estudyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 63,724 total reads

Hinimok ng mga nagwagi sa 13th St. Paul National Bible Quiz National Championship ang kapwa kabataan na maglaan ng oras sa pagbabasa ng Bibliya upang mapalalim ang kanilang pananampalataya at maisabuhay ang mga aral mula sa Salita ng Diyos.

Kabilang sa mga nagwagi bilang champions sina Mary Luz Cabasisi at Jinimay Pardillo ng Sisters of Mary School – Girlstown, Inc., Talisay, Cebu, habang 1st placers naman sina Lee C. Begnotaya at Christian Joseph B. Pateno ng Sisters of Mary School – Boystown, Inc., Minglanilla, Cebu.

Ayon kay Cabasisi, hindi dapat hanggang pag-aaral lamang ang pagbabasa ng Bibliya, kundi kailangang maisabuhay ang mga aral at pagpapahalagang natututuhan dito.

“We will just not study about the Bible, but instead, after studying, we will embody the virtues and the things that we get in the Bible. Inaanyayahan namin ang lahat na magbasa kayo ng Biblia. Kung hindi n’yo maintindihan, pwede naman tayo mag-ask ng help sa mga nakatatanda upang tayo ay turuan.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Cabasisi.

Nanawagan din siya sa mga kabataan na magsimulang magbasa ng Bibliya at humingi ng gabay sa mga nakatatanda kung may mga bahagi itong hindi nauunawaan.

Hinikayat naman ni Begnotaya ang mga estudyanteng nais sumali sa susunod na Bible Quiz na maglaan ng kahit isa hanggang dalawang oras para sa pagbabasa ng Bibliya.

“Kung gusto n’yong champion kayo, magbasa kayo ng Bible every one hour or two hours lang.” bahagi ng panayam ng Radyo Veritas kay Begnotaya.

Binigyang-diin din ni Begnotaya ang kahalagahan ng paggawa nang buong puso at pagtitiwala sa Diyos sa anumang kompetisyon o gawain.

Isinagawa ang 13th St. Paul National Bible Quiz National Championship noong Setyembre 12, 2026 sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center Manila, Pasay City, sa ilalim ng temang “Sowers of the Word: Channels of Peace.”

Ang patimpalak ay taunang evangelization ministry ng Society of St. Paul na naglalayong palalimin ang pagmamahal ng kabataan sa Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pag-aaral, friendly competition at pananampalataya.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 25,554 total reads

 25,554 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 48,427 total reads

 48,427 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 87,697 total reads

 87,697 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 121,825 total reads

 121,825 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 178,231 total reads

 178,231 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top