Earth Hour 2024, itinakda sa March 23

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,635 total reads

Muling pangungunahan ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines ang Earth Hour 2024 na patuloy na panawagang bigyang pahinga ang daigdig na gampanin ng bawat isa upang pangalagaan ang kalikasan.

Ayon kay WWF Philippines executive director Katherine Custodio, sa simula pa lamang ay tunay nang magkaugnay ang tao at kalikasan.

Gayunman sa paglipas ng panahon ay nakakalimutan na ng mga tao ang tungkuling pangalagaan ang kalikasan.

Sinabi ni Custodio na dahil sa labis at maling pamumuhay ng mga tao ay higit pang nararanasan ang mapaminsalang epekto ng krisis sa klima.

“Too many of us have forgotten that we are deeply connected with nature, but the way we live, the way we produce and consume, the way we create the spaces we live – all have made a tremendous impact on our environment, on biodiversity. We need to remember a simple message that humans will be [okay] only if nature, our planet is [okay],” pahayag ni Custodio.

Bibigyang-pansin sa Earth Hour 2024 ang pagtugon sa plastic pollution na kabilang sa mga suliranin ng bansa na hindi lamang nakakaapekto sa kalikasan kun’di maging sa kalusugan ng mamamayan.

Batay sa pagsusuri, dalawang milyong toneladang plastic waste ang nalilikha sa Pilipinas kada taon, kung saan siyam na porsyento lamang dito ang nare-recycle, at 35-porsyento naman ang nakokolekta mula sa karagatan.

“As we are an archipelago of 7,640 islands, the damage caused by plastic pollution to our environment is magnified,” ayon kay Custodio.

Kaugnay nito, magiging katuwang ng WWF-Philippines ang Manila City Government upang manguna sa pagdiriwang ng Earth Hour 2024 sa March 23 sa Kartilya ng Katipunan, sa tabi ng Manila City Hall.

Inaasahang itatampok dito ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw sa mga kilalang landmark sa lungsod tulad ng Manila City Hall at Rizal Monument mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.

Inaasahan din ang pakikibahagi ng national landmarks, tanggapan ng pamahalaan, at mga pamayanan sa buong bansa sa pagpapatay ng mga kagamitang de-kuryente bilang pagsuporta sa layuning pangalagaan ang daigdig.

Live namang mapapakinggan sa Radio Veritas 846 ang programang “Banal na Oras para sa Kalikasan”.

Taong 2007 nang unang isagawa ang Earth Hour sa Sydney, Australia, at 2008 naman nang ilunsad ito sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 42,156 total reads

 42,156 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 149,055 total reads

 149,055 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 193,722 total reads

 193,722 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 215,928 total reads

 215,928 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 251,122 total reads

 251,122 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 106,251 total reads

 106,251 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top