Political dynasties, maghahari sa “Pederalismo”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 390 total reads

Naniniwala ang isang eksperto na hindi ang konstitusyon ang problema ng bansa para tugunan ang problema ng kahirapan lalu na sa mga lalawigan at hindi pa mauunlad na lugar sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Atty. Christian Monsod- isang constitutional expert at miyembro ng 1996 Constitutional Commission.

Ayon kay Monsod, tulad ng puna ng ilang eksperto maraming maaring mangyari na hindi inaasahan dahil na rin sa pag-iral ng political dynasty – o miyembro ng iisang pamilya na umuokupa ng posisyon sa pamahalaan- sa malaking bahagi ng bansa.

“Kasi ngayon po, malaki ang problema natin iyong mga political dynasties. Hawak nila ang kapangyarihan at kayamanan sa mga probinsya. Kung bibigyan natin sila…idecentralized natin ang powers and resources ‘yun po kaya ay bababa sa ordinaryong mamamayan o ito po ba ay kukunin sa kanilang pansarili ‘yung mga resources na ‘yan na ginagawa nila ngayon. Sa palagay namin ganun ang mangyayari. It will not empower and go to the people ang mga resources na ‘yun. Because that’s the history of our country,” paliwanag ni Monsod.

Giit ni Monsod, hindi ang pagbabago ng konstitusyon ang solusyon sa pagkakaroon ng ‘Imperial Manila’ sa halip ay ang hindi pagpapatupad ng local autonomy at social justice sa Pilipinas na una nang tinataglay ng Saligang Batas.

“Ang problema ay ngayon…yung Konstitusyon natin ay not fully implemented iyan ay utos ng constitution natin ngayon. At saka ang social justice para we can face or address iyong problema ng poverty and inequality. Kasi ang hadlang diyan sa implementation ng ating konstitusyon ay iyong congress for example hindi nila binibigyan ng sapat na budget ang agrarian reform. For example, nilalagyan nila ng loopholes iyong mga laws that are meant to help the poor,” ayon kay Monsod.

Layunin sana ng pederalismo ang pagkakaroon ng pantay na mapagkukunan ng yaman at pag-unlad lalu na sa kanayunan.

“Ang pederalismo ang sabi nila ito ang paraan para mawala ang imperial Manila at kailangan ay ating bigyan ng mga responsibilidad, power at resources yung out laying areas dahil masyadong diperensya ng economic growth, development between Manila and the out laying areas. Subalit marami itong pitfalls, maraming nangyayari kumpara sa inaasahan,” ayon kay Monsod.

Sa isang pag-aaral noong 2014 ng New York University, nasa pagitan ng 50-70 porsiyento ng mga pulitiko ay bahagi ng political dynasty sa Pilipinas.

Sa mga naunang mensahe ng Catholic Bishops Conference of the Philippines binigyan diin nito na hindi monopolyo ang paglilingkod sa bayan dahil ang bawat isa ay may kakayahan na mamuno bilang lider ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 35,196 total reads

 35,196 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 71,701 total reads

 71,701 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,912 total reads

 89,912 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 174,240 total reads

 174,240 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 210,016 total reads

 210,016 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top