Simbahan may responsibilidad sa mga balo at ulila ng EJK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 360 total views

Anim na pamilya ng mga biktima ng extra judicial killings (EJK) ang nakiisa sa isinagawang ‘Round Table Discussion’ sa San Ildefonso Parish, Navotas ng Diocese ng Caloocan.

Ang talakayan ang pinanguhan ng parish priest na si Fr. Bong Hino sa pakikipagtulungan na rin ng special Ministry of the Word at Mother Butlers Guild ng parokya.

Ang hakbang ay bilang bahagi ng pakikiisa ng simbahan ppara sa paghihilom at pagtulong sa mga naulila ng mga napatay na iniuugnay sa ilegal na droga.

“Dapat ang simbahan ay dumamay sa pamilya nitong mga biktima na ito kasi bahagi sila ng aming parokya, bahagi sila ng responsibilidad naming. Sapagkat hindi naman natapos ang kuwento noong napatay ang mga taong ito. May mga mahal sila sa buhay mga anak, asawa na nawalan ng tagapagtaguyod kaya bilang pamayanan, bilang simbahan nakikita naming responsibilidad ng simbahan na tulungan ang mga anak lalung lalu na sa larangan ng pag-aaral o edukasyon. At ganun din ang kanilang naulilang asawa,” ayon kay Fr. Hino.

Layunin din ng pag-uusap na mahikayat ang pamilya na iwaksi na ang ilegal na droga; mahikayat na mailapit sa Panginoon at maging aktibo sa mga gawaing simbahan.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga naulilang pamilya na makaharap at makausap si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David upang ikuwento ang kanilang mga karanasan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

Si Bishop David ay kilala sa patuloy nitong pagkondena sa kabi-kabilang patayan sa mga hinihinalang pusher at adik maging ito man ay kagagawan ng mga di kilalang salarin o napaslang sa police operations dahil sa ‘panlalaban’.

Ang programa ng San Ildefonso Parish ay kaugnay na rin ng pagdiriwang ng kanilang ika-25 kapistahan ng kanilang patron at bahagi ng pagninilay na makita ang gawain ng simbahan para sa pamayanan bilang lingkod ng maralita at tagapag-hatid ng Mabuting Balita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 18,955 total views

 18,955 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 89,068 total views

 89,068 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 163,682 total views

 163,682 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 243,760 total views

 243,760 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 286,164 total views

 286,164 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top