Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Constituent assembly, tinawag na “Convention of Asses” ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 485 total views

Binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. – isa sa mga framer ng 1987 constitution na maaring gamitin ang constituent assembly o CON-ASS sa planong pagpapalalit ng Federal form of government sa bansa ngunit kinakailangang hiwalay na bumuto ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado.

Ipinaliwanag ng Obispo na dapat magkaroon ng magkahiwalay na desisyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado sapagkat hindi maaring ipaubaya ang pagdedesisyon sa napakahalagang usapin sa mayorya ng mga Kongresita na sunod-sunuran lamang sa kagustuhan ng Malacanang.

“Alam niyo ang CON ASS puwede naman yan legally, pero yung CON ASS dapat talagang yung dalawang sangay ng legislative department dapat yan ay magkahiwalay na bumoto para merong Lower House at Senate sapagkat kung sa Lower House mo lalo na sa kasalukuyang panahon ipauubaya yan, yan ay magiging Convention of Asses. Paano ba naman basta kung sino ang papalo sa kanila ay sunod sunuran nalang” pahayag ni Bishop Bacani Jr. sa panayam sa Radyo Veritas.

Giit ng Obispo, hindi maaaring basta na lamang ipagkatiwala sa mga Kongresista ang pambansang Konstitusyon ng Pilipinas sapagkat sumusunod lamang ang mga ito sa idinidikta sa kanila at walang sariling mga paninindigan bilang mga halal na opisyal ng bayan.

Apela ni Bishop Bacani, hindi dapat na madaliin ang naturang plano ng pagpapalit ng konstitusyon ng bansa sapagkat dapat itong masusing suriin para sa ikauunlad ng buong bayan at hindi lamang dapat na para sa kabutihan at kapakinabangan ng iilang mga indibidwal.

Nagpahayag rin ng pangamba ang Obispo na magdudulot lamang ang Federalism ng tunggalian, kompetensya at paligsahan sa mga mamamayan taliwas sa sinasabi ng mga nagsusulong sa panukala na pagkakaisa at pagpapa-unlad ng bansa.

Giit ni Bishop Bacani ang Federalism ang unang hakbang para sa Unitarian Government at kung muling igigiit ito ay tila pabalik ang magiging usad na tatahakin ng ating bansa.

Batay sa Saligang Batas ang Contituent Assembly ay isa lamang sa tatlong paraan upang baguhin o amyendahan ang 1987 Constitution ng bansa kabilang na ang People’s Initiative at Constitutional Convention.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 12,107 total views

 12,107 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 57,830 total views

 57,830 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 60,040 total views

 60,040 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 133,147 total views

 133,147 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 145,039 total views

 145,039 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top