Pope Francis village, tugon sa tuluyang pagbangon ng Yolanda survivors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 431 total reads

Tiniyak ni Father Alcris Badana – Social Action Center Director ng Archdiocese of Palo na magbibigay ginhawa sa mga typhoon Yolanda Survivors ang pabahay na ginagawa sa on-going project na Pope Francis for Resilient and Co-Empowered, Sustainable Communities o FRANCESCO.

Ayon sa Pari, nagkaroon ng mga public consultations at kasangkot sa pagpaplano ang mga kinatawan ng mga survivors na gagamit ng mga bubuuing bahay upang matiyak na naaayon ito sa kanilang pangangailangan.

Sinisiguro din ni Father Badana na hindi masasayang ang pondong ibinibigay ng kanilang mga donors dahil kongkreto, matibay, at hindi substandard ang mga gagamiting materyales sa mga bahay na itatayo sa Pope Francis Village.

“We have all considered the standards for resiliency even yung suggested ng DSWD, so we even surpass the standard to assure na magiging safe yung families who will be assigned to these mga pabahay. It is very strong and maganda rin. Aside from that this is really a new image kaya kasama dito yung may access roads tapos electric lines, we even provide livelihood para din sa sustainability ng families,” pahayag ni Father Badana sa programang Barangay Simbayanan ng Radio Veritas.

Umaasa din ang pari na magsisilbing modelo ang Pope Francis Village para sa mga institusyon o sa pamahalaan na magtatayo din ng relocation houses.

Ayon sa pari mahalagang maging kaaya-aya, komportable at maginhawa para sa mga ire-relocate ang bahay na ipagkakaloob sa kanila upang hindi ito magdalawang isip sa pagtira sa kanilang magiging bagong bahay.

“Hopefully from this project if ever na there will be future projects na mga relocation site, ito ang maging modelo, para kung may mga projects na gagawin kung sino mang organization maybe private or government, puwedeng gamitin itong basis na ganito pala, para atleast yung mga mare-relocate hindi talaga magdadalawang isip pumunta kase alam nilang binibigyan sila ng komportableng bahay,” dagdag pa ni Father Badana.

Ang Pope Francis Village ay isang on-going project na kinabibilangan ng iba’t-ibang institusyon ng simbahan, kasama ang Urban Poor Associates, Canadian Catholic Organization for Development and Peace, CBCP-NASSA, Redemptorist Community of Tacloban, at Archdiocese of Palo.

Sa kabuuan, sinabi ni Father Badana na aabot sa 550 units ng mga bahay ang nakatakdang itayo sa loob ng Pope Francis Village.

Bukod dito, magkakaroon din ng Plaza, isang bisita, commercial area at agricultural area para masuportahan ang kabuhayan ng mga typhoon Yolanda survivors.(Yana Villajos/Newsteam)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 34,249 total reads

 34,249 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,807 total reads

 70,807 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,018 total reads

 89,018 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 173,346 total reads

 173,346 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 209,154 total reads

 209,154 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,175 total reads

 378,175 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top