Paano lalabanan ang konsumerismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,340 total reads

Mga Kapanalig, tuwing dumarating ang Pasko, hindi magkandaugaga ang marami sa atin sa pamimili ng mga panregalo, mga dekorasyon sa bahay, at mga pagkaing ihahanda o iaambag sa Christmas party. Dahil dito, tayo na rin ang nagdudulot ng malaking abala at pagpapahirap sa ating mga sarili sa pagbibiyahe nang matagal dahil sa trapik; sa paghahanap ng mapaparadahan sa mga kalye o parking lot na puno ng sasakyan; sa paghihintay sa mahabang pila para makasakay ng jeep o taxi, o para magbayad para sa mga naipamili sa mga mall at supermarket. Tila hindi maiwasan ng mga taong bumili ng kung anu-ano, basta’t mayroong pambili. Para naman sa mga walang tiyagang bumiyahe at pumila, nariyan naman ang pamimili sa pamamagitan ng internet—mas maginhawa, walang pila, maraming mapagpipilian, at mura pa. Gayunpaman, ang pagbili ng mga bagay-bagay para sa sarili at sa iba ay naging pangunahing palatandaan ng ating pagdiriwang ng kapanahunang ito.

Bakit kaya naniniwala tayong mas naibabahagi at nararamdaman ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng mga regalong materyal? Siguro natural namang nagbibigay-saya sa sinuman ang makatanggap ng regalo. Subalit kailan nagiging mapanirà ang umasa sa mga materyal na bagay upang magbigay kasiyahan, hindi lamang tuwing Pasko, kundi bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay?

Mga Kapanalig, ayon sa ating Simbahan, ang konsumerismo ay nagpapalaganap ng isang uri ng pananaw sa buhay na nakatuon sa kung ano ang mayroon tayo kaysa sa kung ano o sino tayo; “having rather than being,” ‘ika nga sa Ingles. Ang pagtuturing sa mga tao batay sa kung ano ang mayroon sila sa buhay kaysa sa kung ano ang kanilang pagkatao ay tila naging bahagi na ng ating kultura at pamumuhay. Sinu-sino nga ba ang tinitingala o nirerespeto sa ating lipunan? Hindi ba’t ang mga maykaya o mayayaman, ang mga nasa mataas na posisyon at may kapangyarihan? Mataas pa nga rin ang tingin ng marami sa atin kahit nga sa mga taong gumawa ng katiwalian o krimen, sapagka’t sila at may kaya sa buhay, may posisyon, may edukasyon—‘ika nga, may sinasabi sa buhay o may sinasabi sa lipunan.
Tumagós na ang konsumerismo sa maraming aspeto ng ating buhay, pati na sa ating paghihintay sa pagdating ng Pasko, sa ating paggunita at pagbubunyi sa pagkakatawang-tao ng ating Panginoon. Bagamat ang pagdating Niya sa mundo ay naganap sa pinakaabá at pinakasimpleng paraan—sa isang sabsaban na pinapaligiran ng mga hayop—kabaligtaran ang ginagawa nating paraan ng pagdiriwang ng Kanyang kapanganakan. Pinapaligiran natin ang ating sarili ng kasaganahan, ng maraming ilaw at palamuti, ng maraming pagkain, ng kaliwa’t kanang pagpapalitan ng regalo.

Upang labanan ang konsumerismo, itinuturo sa atin ng Simbahang lumikha tayo ng uri ng pamumuhay o lifestyle kung saan ang paghahanap sa katotohanan, kabutihan, at pakikipagkaisa sa kapwa para sa sama-samang pag-unlad ang siyang nagtatakda kung ano mga bagay na ating bibilhin at tatangkilikin. Halimbawa, kailangan ba natin talagang bumili? At kung bibili ng isang bagay, makabubuti ba ito hindi lang sa taong pagbibigyan, kundi sa kapakanan ng iba, pati ng kapaligiran? Inaaamin ng ating Simbahang napakalaki ng hamon sa pagbabago ng kultura at nakagawian ng mga tao, subalit saan nga ba magsisimula ang pagbabago kundi sa maliliit na pagbabago ng ugali ng bawat isa sa atin.

Mga Kapanalig, kaya ba nating labanan—o bawasan man lang—ang konsumerismo sa ating pag-aabang sa pagdating ng ating Panginoon? Kaya ba nating gawing simple ang mga pagdiriwang, na gawing makahulugan ang pagpapakita ng pagmamahal at pasasalamat? Kaya ba nating bawasan ang konsumerismo, at sa halip ay dagdagan ang respeto sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap, sa ating pang-araw-araw na buhay? Pagnilayan po natin ito, mga Kapanalig.
Sumainyo ang katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,124 total reads

 45,124 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 43,167 total reads

 43,167 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 77,467 total reads

 77,467 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 179,292 total reads

 179,292 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 219,849 total reads

 219,849 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 238,671 total reads

 238,671 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 43,168 total reads

 43,168 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 77,468 total reads

 77,468 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 179,293 total reads

 179,293 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 219,850 total reads

 219,850 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top