Ang Hari ng Maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 896 total reads

Kapanalig, nalalapit na naman ang Translacion.

Kada Enero 9, libo libong mga Filipino ang napunta sa Quiapo nang naka-paa at naka-maroon na kulay ng kamiseta. Lahat sila ay mga deboto ng San Nazareno. Kadalasan, ang debosyon na ito ay sinalin sa kanila ng kanilang mga magulang. Ngayon, sinasalin na ito sa kanilang mga anak.

Bagaman marami sa mga deboto ng Nazareno ay may kaya at may pangalan na sa lipunan, hindi natin makakaila na marami rin sa kanila ay kasama sa maralitang sektor. Tulad ng debosyon sa San Nazareno, ang kanilang kahirapan ay nasalin rin sa mga sumunod na herenasyon.

Sa ngayon, mga 26 milyon ang mga Filipinong naghihirap, at kalahati nito ay hindi kayang tustusan ang gastos nila kahit sa pagkain lamang. Ito ang realidad ng buhay ng marami sa ating mga Filipino.

Kapanalig, si Kristo, ang hari ng maralita, ay hindi nagnais na mabuhay ng salat ang mga Filipino. Hari siya ng maralita hindi dahil nais niyang maging mahirap ang tao, kundi dahil naglalakbay siya at sinasamahan tayo tungo sa kaganapan ng ating pagkatao. Ito ang ehemplo ng Nazareno: ang samahan ka kahit ano pa man ang pinagdadaanan mo ngayon, tungo sa ginhawa.

Ang ehemplong ito ang ating nakakaligtaang sundan pagkatapos ng Translacion. Tuwing pista, tabi tayo sa init at sikip, mayaman man o mahirap. Pag tapos nito, kanya-kanyang uwi. Yun iba, tungo sa kanilang air-conditioned na bahay, yung iba, tungo sa kanilang barong-barong. Hanggang Quipao lamang ang ating pagiging magka-alakbay.

Kapanalig, ang ating pananalig ay hindi lamang dapat mapako at maiwan sa prusisyon. Ang ating pananalig ay dapat tumulak sa atin, maralita man o mayaman, na kumilos. Ito ang faith in action. Panahon na upang maging kongreto ang ating debosyon. Huwag nating sayangin ang simbolo ng Nazareno sa taunang Tranlasion lamang. Hindi nararapat na minsan sa isang taon lamang nating sinasabuhay ito ngunit tila nililimot sa mga ordinaryong araw.

Kaya’t sana ngayong taon, mag-iba na. Sana ngayong taon, ang Translacion ay maging way of life nating mga Filipino, hindi lamang tradisyon.

Ang Evangelii Gaudium ni Pope Francis ay may mahalagang aral na maaring makatulong sa atin upang maging tunay na kaalakbay ng isa’t isa: “Ang bawat isa sa atin ay tinatawag na maging instrumento ng kalayaan ng maralita upang tunay silang makalahok sa lipunan… Ang salitang solidarity, gasgas man o luma na, ay hindi natin tunay na nauunawaan. Ito ay hindi lamang paminsan-minsang pagbubukas palad. Ito ay pagbabago ng pananaw. Ito ay ang pagpapalawak ng ating kaiisipan upang yakapin ang kapwa at unahin ang buhay kaysa pera.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 57,792 total reads

 57,792 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 106,909 total reads

 106,909 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 154,781 total reads

 154,781 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 258,728 total reads

 258,728 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 341,920 total reads

 341,920 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 57,793 total reads

 57,793 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 106,910 total reads

 106,910 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 154,782 total reads

 154,782 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top